Lito Lapid, nagagamit ang probinsiyano sa pulitika!

NAKATULONG nang husto kay dating senador Lito Lapid ang guesting niya sa Ang Probinsiyano kasi nahatak siya ni Coco Martin pataas kung kaya pumapasok siya sa Magic 12 ng SWS survey.

Maganda kasi at markado ang role niya sa nasabing teleserye kaya kung tatakbo si Lapid sa 2019, tiyak magagamit niya ang ABS–CBN nang libre at binabayaran pa siya. Kaya kung ako sa ABS–CBN, patayin na ang role ni dating senador Lapid. Nagagamit lamang kayo para sa pagpasok niya sa pulitika sa 2019.

Sa ngayon 2018 na. Isang taon na lang mahigit, eleksyon na. Kapag nagtuloy–tuloy si Lapid sa Probinsiyano, free publicity with pay ang ginawa ng ABS-CBN.

Kilalang walang naipasang batas si dating Senador Lapid sa Senado.

Nakatapos ng term nang hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang pinasuweldo sa kanya. Tapos, gustong magbalik sa Senado. Dress code nga sa Senate naalala n’yo pinagtatawanan pa siya ng mga kasamahan niya sa Senado dahil hindi marunong magdamit ang Senador!

&&&&&

Kung may karapat–dapat na maging Senador sa 2019, ito ay si Congressman Robert “Ace” Barbers ng ikalawang distrito ng Surigao Del Norte. ‘Di hamak na maraming alam ito sa batas kumpara kay dating Senador Lito Lapid, bukod sa De la Salle University ito nag – aral. ‘Di rin mabilang ang naipasa niyang batas sa Kongreso.

Ang kailangan natin ay tulad ni Barbers na mapakikinabangan ng sambayanang Pilipino. Hindi rin masasayang ang pangsusuweldo natin kay Barbers dahil tiyak na nagtatrabaho ito.

Maraming susuporta na artista kay Barbers kapag nagdesisyon na ito tumakbo sa Senado sa 2019. May recall na rin ang pangalan Barbers kasi ang kanyang ama ay si dating Senador na si Robert Z. Barbers.

&&&&&

Puno na naman ng saya ang mga dabarkads sa barangay!

Juan For All, All For Juan, nagbibigay saya sa mga Barangay naiikutan ng number noon time show, Eat bualaga. Kaya tutok kayo lagi sa EB para sumaya ang buhay n’yo araw–araw sa GMA 7 lang po! PALABAN/GARY STA. ANA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply