LPG sellers may paglabag ng DOE, posibleng maipasara

HINIHINTAY na ng Department of Energy (DOE) ang paliwanag ng mga nagbebenta ng liquefied petroleum gas (LPG) na nakitaan ng mga paglabag matapos ang isinagawang surprise inspections ng ahensya.

Sinabi ni Energy Asec. Leonido Pulido III kapag hindi sila nasiyahan sa paliwanag ng mga lumabag ay maari silang magrekomenda ng kaparusahan, na maaring umabot sa pagpapasara ng mga establisyimento.

Magugunitang surpresang dinalaw nina Pulido at ng mga tauhan ng DOE – Oil Industry Management Bureau ang ilang LPG resellers sa Quezon City at may mga nakitaan sila na mga paglabag.

Ilan sa mga establisyimento ay iligal na nagtaas ng presyo ng LPG, hindi naka-display ang LPG Standards Compliance Certificate gayundin ang presyo ng kanilang LPG.

Hinikayat ng DOE ang publiko na agad isumbong ang mga nagtitinda ng LPG kung mas mataas pa sa P683 ang kada 11-kilogram na tangke ng cooking gas. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply