Maine Mendoza napili ng MAC Cosmetics para maging unang Filipina influencer

IPINAKITA ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram account na napili siya ng MAC Cosmetics para maging kanilang unang Filipina ambassadress.

Sa kanyang latest Instagram posts ay ibinahagi ni Maine ang kanyang pananatili sa Toronto, Canada kung saan naka-base ang MAC.

Nag-post din si Maine ng litrato na may hawak siyang tube ng lipstick. Sa caption, sinabi ni Maine na gumawa siya ng sarili niyang shade ng lipstick na isang collaboration kasama ang MAC.

Makikita naman sa kanyang Instagram stories ang proseso ng pagbuo sa kanyang lipstick shade.

Palaisipan naman sa ngayon kung ano ang shade at pangalan ng lipstick na ginawa ni Maine. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply