Major awards sa 60th Grammys, hinakot ni Bruno Mars

PINAKYAW ni American singer-songwriter Bruno Mars ang lahat ng major awards sa katatapos lang na 60th Grammy Awards ngayong araw, Linggo sa USA.

Sa kabila ng mahihigpit na kalaban ni Bruno Mars o Peter Gene Hernanez sa totoong buhay, sa Album of the Year category na sina Jay-Z (4:44), Lorde (Melodrama), Kendrick Lamar (DAMN) at Childish Gambino (Awaken, My Love!), ay nakamit pa rin ni Bruno Mars ang naturang parangal.

Iprenisinta ang parangal sa lahat ng main artist, producers, sound engineers, at featured artist sa naturang album.

Napanalunan lahat ni Mars ang lahat ng award kung saan din siya lahat nominado: Album of the Year – “24K Magic,” Song of the Year – “That’s What I Like,” Best R&B Song – “That’s What I Like,” Best R&B Album – “24K Magic,” Best R&B Performance – “That’s What I Like,” at Best Engineered Non-Classical Album – “24K Magic”. GILBERT MENDIOLA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply