Malakanyang ipinanalangin ang hustisya sa SAF 44

UMAASA at dumadalangin ang Malakanyang na makamit na ng pamilya ng mga fallen troopers o SAF 44 ang hustisya at mapanagot ang mga dapat managot sa sinapit ng mga bayaning pulis.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na tatlong taon nang bokya pa rin sa resulta ng imbestigasyon ang mga naiwang pamilya ng SAF 44 na kasama sa madugong Mamasapano encounter.

Ngayon, Enero 25, ang ikatlong taong anibersaryo ng SAF 44.

Nauna rito, ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Proclamation no. 164 na nagdedeklara ng National Day of Remembrance tuwing Enero 25 bilang bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44 na namatay sa madugong engkuwentro.

Sa inilabas na Proclamation no. 165 na pirmado nina Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea, nanawagan ang pangulo sa sambayanan na alalahanin tuwing January 25 ang heroism ng 44 na miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police dahil sa pagsisikap nilang mabigyan ng seguridad ang bansa laban sa mga teroristang tulad nina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

Ayon sa pangulo, ang kabayanihan ng mga uniformed personnel ang magpapaalala sa sambayanan ng mga sakripisyong ginagawa ng mga men and women in uniform para magampanan ang kanilang sinumpaan tungkulin sa bayan.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbuo ng independent commission na sisiyasat sa Mamasapano pero isinantabi muna hanggang matapos ng Ombudsman ang imbestigasyon sa kaso. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply