Maraming namamatay sa inggit!

HINDI na talaga nilubayan ng mga bashers si Alden Richards dahil hinahanapan siya ng butas. Kahit lumang birthday video greeting nu’ng 2014 ay hinalukay at binibigyan ng malisya ang pagsaway niya nang “Gaga, narinig ka!”.

Bagamat normal at expression sa showbiz ang salitang “Gaga”, ginamit ito ng mga bashers against sa Pambansang Bae. Pag hindi ka kasi showbiz, magugulantang ka at nega ang dating.

Pero, ang babaw na isyu na naging big deal na. Kahit naman sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros nagiging expression minsan ang ‘gaga’. Kahit ang mga straight guys ay expression na ‘yan.

Hindi talaga dapat big deal dahil kahit si Nar Cabico ay may kanta na “Gaga,” eh!

Pangkaraniwan na ang salitang ‘gaga’ sa showbiz. Dati nga si Maricel Soriano ay na-gaga ng isang reporter. Na-shock lang si Maria pero hindi nagtaray.

Wala ring pinagkaiba ito kay Coco Martin. Dati ay nakapagbibitaw siya sa presscon ng salitang ‘charing’ pero never naman siyang pinagdudahan. Hindi naging big deal.

Ang nakakaloka, ginagawang isyu ngayon ang kababawan na ‘yan.

Umayos nga kayo at hindi lahat ay hina-hanash niyo.

Ayon kay @gayabuel: “Tao Po Si Alden ndi Santo…Expression lng un. STOP the HATE.”

Sey naman ni @AikoShaowny “Baka bakla siguro pinagsabihan nya kaya pabirong ganyan Gaga tumigil ka. Parang di naman seryoso pagkasabi ni Alden Hihi ka understand na sya ni God.”

Ayon pa sa mga netizens na malawak ng pang-unawa : “Mali ba ang word na gaga? Bumalik na ba tayo sa 1950’s. Does that define a person? You cant put a good person down. Yung nag upload ng video at nagbibigay ng malice ay masamang tao dahil purpose niya ay manira ng kapwa.”

“What’s wrong with Gaga? F word is being thrown left and right now a days. We are 2018 already!”

“Hello 2018 na. Sa panahon ngayon, ang pagmumura ay reaksyon na lang ng mga tao wether natatawa sila or nagagalit, hindi na sya big deal ngayon. Ewan ko ba sa mga taong to. Simpleng bagay pinalalaki.”

“I heard “Gaga narinig ka” I guess it’s just an expression and people put malice into it simply because hater sila ni Alden?”

“You know what’s really bad about this? No it’s not the word “gaga”. What’s really wrong is the malicious intent of the person who shared this on social media. Personal video greets are sent privately. Hay Alden! Be careful of the people around you. Sila rin ang sisira sayo.”

“Hindi naman Santo yan, tao rin sya. Kayo lang mga bashers nya na ginagawa syang perfect tapos hahanapan ng mali at gagawing big deal. Alam naman namin mga fans nya yan, so? Ano rin problem mo sa Bible quotes? Mas mabuti ipalaganap ang posivity kaysa kanegahan.”

“Hahahahah tao si Alden, di Santo kaya normal lang yan. Sabi nga ni Alden kilala nya sarili nya kaya wala sya dapat patunayan sa iba. “??

“Matagal na yang basher ni Alden, mga OSF . ‘Yan ‘yung mahilig gumawa ng mga corny rhymes to tweet. Effort much. Lahat ng pambabash at pangmamaliit kay Alden ginawa ng mga yan. Di pa rin maka-move on. Obsessed much”

Pak!

***

Nag-enjoy kami sa “Mama’s Girl” sa premiere night nito sa Trinoma Cinema na kung saan ay dumalo ang buong cast na sina Sylvia Sanchez, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake, Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes atbp.

Maraming matutunan sa pelikulang ito pagdating sa positive values na tumatalakay sa passion, commitment, forgiveness, acceptance at love. Magsisilbing inspirasyon ito sa mga moviegoers lalo’t maayos ang kuwento at pagkakagawa ni Direk Connie Macatuno.

May malaking twist sa pelikula na maiiyak ka. Hindi na namin idedetalye pero ang eksenang ito ay may kinalaman sa pagpapatawad.

Todo bigay rin si Sylvia sa eksenang nahuli niya si Sofia na pinapasok sa kuwarto niya ang kanyang boyfriend.

Samantala, hindi rin iba ang Regal Producer na si Roselle Monteverde sa mga netizen na naiyak sa “Mama’s Girl” dahil mismong siya ay naging emosyonal.

“I am so touched as a mother and the scenes were so realistic. Surely, it will affect all mothers, daughters, and millennials.Proud to have produced it. Very aspirational. The journey of the characters are relatable,” deklara ni Ms. Roselle.

Magulang man o anak, millennials at may edad ay excited na mapanood ang “mama’s Girl” ngayong January 17 base na rin sa mga comments at reaksyon nila sa social media.

Boom!

***

Dahil sa kakaibang konsepto ng kanilang programa, walang dudang nakuha na ng ‘Kambal, Karibal’ nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang puso ng mga manunuod.

Matapos kasing muling mabuhay si Crisel (Pauline Mendoza) sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), maraming nagtatanong kung ano ang susunod na mangyayari sa buhay ni Crisanta (Bianca Umali).

Titigilan na kaya nito ang kalupitan sa ibang tao o mas titindi pa ang pader sa pagitan ng magkakambal dahil kay Diego (Miguel Tanfelix).

Hindi maikakailang success itong maituturing ng GMA Network dahil bukod sa kakaibang plot twist, kinakikiligan din ang BiGuel.

Solid na solid ang support na pinaparamdam ng kanilang loyal fans sa gabi-gabi nilang pagtutok sa programa. In fact, titigan pa lang ng dalawa ay trending na. Abangan ang susunod na mga kabanata ng Kambal, Karibal weeknights sa GMA Telebabad. XPOSED/ROLDAN CASTRO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply