MASAGANANG TUBIG, LINANGIN, PAGYAMANIN

SINALUBONG ng magandang balita ang National Water Resources Board (NWRB) sa unang buwan ng taon, matapos mapag-alamang umabot sa Normal High Water Level (NHWL) na 212 metro ang tubig sa Angat Dam.

Matatagpuan ang naturang dam sa Norzagaray, Bulacan. Nagmumula dito ang tubig na umaagos sa mga irigasyon na ginagamit sa mga tahanan, palayan o taniman, paghahayupan at pagpapatakbo ng elektrisidad.

Sa datos ng NWRB, ika-17 ng Enero, alas-otso impunto ng umaga nang pumalo sa 212.23 metro ang lebel ng tubig sa Angat. Halos katulad ito sa sitwasyon sa kaparehong  buwan noong nakaraang taon base sa Hydrological Information ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil umabot ito sa 214.25 metro.

Kung tutuusin, maituturing na itong positibo para sa isang tropikal na bansa na gaya ng Pilipinas. Isa na itong malinaw ng senyales na maaring maging maayos ang suplay ng tubig sa mga susunod na panahon.

Bagama’t hindi rito natatapos ang kwento ayon sa isang grupo. Kamakailan, ipinabatid ng United Nations Development Program (UNPD) na mataas ang posibilidad na lumaganap ang krisis sa tubig hindi lamang sa bansa, kundi sa malaking bahagi ng daigdig sa nalalapit na taong 2020.

Ayon sa kanila, hindi pa kapansin-pansin sa ngayon ang maaring maging kakulangan dahil mayroon pang lumalabas sa gripo ng mga tahanan, industriya at komunidad.

Maging praktikal na gawain at tamang pagkonsunsumo ng tubig:

Huwag iwanang nakabukas ang gripo kapag nagsisipilyo. Maaari makakunsumo ng 5 gallon tubig sa paggawa ng ganoong bagay.

Huwag gumamit ng tubig na umaagos kapag naghuhugas ng mga prutas, o gulay sa halip ay gumamit ng pangsakot para gamitin sa paghuhugas ng mga ito. Pagtapos ay itabi ang tubig na nagamit at ilaan sa iba pang paglilinisan sa bahay gaya ng pagdidilig ng halaman.

Kapag may agos at may pagtulo sa mga gripo agad itong ipaayos. Dahil, maaaring makaaksaya ito ng halos isandaang galon (100 gallon) kada araw.

Kung posible, huwag nang gumamit ng toilet flush upang maiwasan ang halos anim na gallon (6 gallons) na tubig kada flush. Itabi ang tubig na ginamit sa paghuhugas ng prutas, gulay, nilabhan para siyang gamiting pang-flush ng toilet.

Gumamit ng tabo at timba sa paliligo sa halip na gumamit ng shower. Sa sampung minutong (10 minutes) paggamit ng shower sa paliligo ay makakakunsumo ng 40 gallons ng tubig. HILDA ONG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply