Mavs wagi sa Thunder

NAGSANIB-PUWERSA sina Harrison Barnes ang 24 points at ni Dennis Smith, Jr. na nakapagbuslo ng 11 sa kanyang 19 points sa final 1:39 minutes para mapataob ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder, 116-113.

Isinara ng Mavs (13-25) ang taong 2017 na may season-best na fourth straight wins.

Naging malaking hamon sa Thunder (20-17) point guard at superstar Russell Westbrook ang match-up kay Smith nang malasin pa ito sa three point area habang may 30 segundo na lang ang natitira sa game.

Nasayang naman ni Westbrook ang kanyang ika-12 triple-double ngayong season nang iposte ang 38 points, 15 rebounds at 11 assists.

Hindi rin umubra ang mainit na shooting ng iba pang players ng Thunder tulad nina Paul George na may 25 points at Carmelo Anthony na umarangkada sa 21 points.

Samantala, susunod na makakabanggaan ng Mavericks sa Huwebes ang Golden State Warriors.

Ang Thunder naman ay may face-off sa Lakers sa Huwebes na susundan kontra sa Clippers sa Biyernes na kapwa gagawin sa LA. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply