May chemistry at sexual tension!

IN fair Verona, parang bongga ang mga dramahan, lambutsingan at pagmamahalan sa Mr. and Mrs. Cruz, huh!

Sa theme song pa lang na Istorya, aba, pulling na all the heart strings.

Iba ang emotional commitment na binigay nina Nicole Omillo at Carl Guevarra sa nasabing kanta.

Ganda-gandahan itong si Nicole sa personal. Makinis. matangkad, mataas ang bewang kasi parang naka-checkered, high pants si girl at sleeveless white top.

Ang panalo sa hitad, walang puson at tiyan. Parang dapat siya ang may suot ng ballerina inspired outfit ko. Mas keribels niya.

Kasi ako, parang pregnant ballerina in a tutu! Hahahaha.

Ito namang si Carl, kapangalan pala nung boy borta of the highest order na si Carl Guevarra.

Yung studlet na hindi mo na masyadong nararamdaman sa kasulukuyan at pwedeng-pwedeng maging finality the WHO contender kaya lang dahil laging may mga hubad baron at under wear photos, pwede pa siyang pagtiyagaan. Hahahaha!

Itong Guevarra, hombreng-hombre ang timbre. Iba ang boses. Parang kay tangkad-tangkad na hombre pag umaawit, huh!

Pero sa malapitan, typical Pinoy height, naglalaro siguro sa 5’6″ o 5’8″ ang bruho.

At may budget ang binata, nagmamayaman ang shoes, isang London brand na hindi ko na papangalanan kasi di naman namin sponsor. Hahahha!

What I love best about the song, you really feel the ache, longing, the shattered drreams, and the meloncholia that a former love or relationship brings.

Panalo yung line na, “Sabi mo di ka bibitiw pero nasaan na?”

Ay, walang dudang magiging anthem ito of he love lorn. Ouch! Ang sakit!

At ang paghihiwalayan na yan, isama pa ang mga realidad tungkol sa pagmamahalan, relasyon, pagpapakasal, kasal, paghahanap sa sarili at katotohanan, sa mga temang ito umiikot ang kwento nina Mr. and Mrs. Cruz, na pinagbibidahan nina Ryza Cenon bilan Gela Cruz at JC Santos bilang Raffy Cruz, sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Star rising movie ito para kay Ryza na ang biggest claim to fame ay ang kanyang pagiging Georgia sa Ika-6 Na Utos.

Sa pag ganap niya sa katauhan, you either love her, hate her and feel sorry for her. Ganun ka-effective na bida/kontrabida si Cenon sa top rating afternoon melodrama.

Career turning naman ang kanyang performance sa Ang Manananggal sa Unit 23B. Mapangahas at nakapangngilabot ang ginampanan niya rito.

Maliban sa pagiging literal na “halimaw,” may masturbation scene si Ryza sa pelikula.

At ngayon, ang dating second season grand female winner ng StarStruck Season 2, kabogera na ang hitad, leading lady na isang main- stream movie.

Sabi nga ni Ryza, “Kinakabahan, yes, may pressure pero I feel it is a good kind of pressure. Maganda ang pelikula namin. Yung kwento, ibang klase.

Ang dami kong natutuhan sa pag gawa ko nito. Sa workshops pa lang namin, hanggang sa shoot, hanggang sa matapos kami, ngayon malapit na siyang ipalabas, every thing is a new experience for me. Nakakapanibago. Nakakatuwa, nakakilig.”

Pag-amin ni direk Sigrid, pinanood niya ang mga pelikula nina Ryza, ang Manananggal at kay JC, ang Esprit de Corps at 100 Tula Para Kay Stella.

Ang pinaka-gusto ni Santos sa pelikula, “Bago yung actual filming, yung workshop phase. As an actor, ibang challenge at learning lagi yung meron kayong script analysis, na may character sketxh ka, Na sa rehearsal pa lang, aside from line throwing na, may blocking pa, so pag dating mo sa set, clock work na yung maging in character.”

Paglalahad pa ni direk Sigrid, “May sexual chemistry sina JC at Ryza. Nung first story conference namin, they arrived in the venue na pareho ang color of what they were wearing, I took that as a very good sign then when we did the workshop at yung movie, mas palpable yun. Ang chemistry kasi, hindi madadaya. It’s either they have it or wala. Salamat naman at they have it kasi kung wala, the movie won’t work.”

Parehong may mga ka-relasyon sa totoong buhay ang magkapareha sa pelikula, ang sabi ni Ryza tungkol dito.

“Hindi nga nagseselos si Cholo (Baretto) eh. Never siyang nagselos sa mga ginagawa ko. Kasi alam naman niya, alam rin namin ni JC na bilang mga aktor, we must play for truth. Dapat ang makikita at mapanpanood niyo sa pelikula, yung mga katauhan namin. Sa totoo lang, poles apart kami ni Gela. Madaldal siya, very forward. Ako kasi, tahimik lang. Mahiyain. Sa pelikulang ito, wala talaga akong kahiya-hiya! Hahahaha!”

Ipalalabas ang Mr. and Mrs. Cruz, sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Enero 24. AS IF/ALWIN IGNACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply