MAYNILAD MAY HATID NA DISLUDGING SERVICE NGAYONG ENERO

MAGSASAGAWA ng libreng paglilinis ng poso negro ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa mga residente at establisyemento sa piling lugar sa Caloocan, Maynila, Parañaque, lungsod ng  Quezon, Valenzuela at Cavite ngayong Enero.

Ilan sa mga lugar na hahandogan ng naturang serbisyo ay ang Barangay 160 hanggang 167, 170, 172, 174, 176 at 178 sa Caloocan; Barangay 587 hanggang 636 sa Sampaloc, Maynila; Baesa, Bahay Toro, Payatas, Sauyo ,Talipapa sa lungsod ng Quezon, gayundin sa Gen. T. De Leon at Ugong sa Valenzuela.

Ipatutupad din ito sa Alabang, Bayanan, Cupang, Poblacion, Putatan, at Tunasan sa Muntinlupa; San Antonio, San Dionisio, at San Isidro sa Parañaque; Habay I at II, Ligas I hanggang III, at San Nicolas I hanggang III sa Bacoor, Cavite; at Bayan Luma I hanggang IX, Bucandala I hanggang V at Carsadang Bago I at II sa Imus, Cavite.

Ayon sa Maynilad ang septic tank cleaning ay karaniwang nagkakahalaga ng P4,000 kada trak. Ngunit binigyang-diin ng kanilang Presidente at CEO, Ramoncito S. Fernandez na ang programang ito ay bahagi ng  kanilang pagsisikap na mabawasan ang polusyon sa ilog.

“Pinayuhan namin ang aming mga customer na samantalahin ang serbisyong ito upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at kapaligiran,” pahayag ni Fernandez.

Upang malaman ang mga kinakailangang gawin at proseso, tumawag lamang sa Maynilad Hotline 1626. At para naman sa iba pang impormasyon, bistahin lamang ang www.mayniladwater.com.ph at social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: MayniladWater).

Ang Maynilad ay ahente at kontraktor ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kanlurang bahagi ng Greater Manila Area, kabilang dito ang ilang lugar sa Maynila, piling lugar sa lungsod ng Quezon, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon. Ito rin ang nag-su-suplay ng tubig sa ilang syudad at bayan sa Cavite, tulad ng; Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply