Member ng tapang-tapangan school of acting!

SINCE nagtapos na ang 2017 and we’re ushering 2018, we’d like to acknowledge some celebrities by giving them awards.

PRIMETIME FLOP KING & QUEEN – Dingdong Dantes and Marian Rivera. Hindi na kinaya ng powers nang Alyas Robinhood at nag-goodbye sa mga fungi na ito. Underperforming din ang Super Ma’am ni Marianita na of late ay wala yatang nag-rate na soap opera.

GREAT PRETENDER QUEEN – Maine Mendoza. Sa kanyang open letter ay sinabi ni Maine n she’s only friends with Alden Richards. Imagine, for two years ay pinaniwala mo ang AlDub fans na there’s something romantic between you and Alden only to tell them na magkaibigan lang kayo. Aba, ang galing mo namang mag-pretend, ha? Sorry, you’re good only in pretending, not in acting.

FLOP MOVIE QUEEN – Ai-Ai delas Alas. Hindi na pinag-usapan, hindi pa kumita ang last movie ng sinasabing Concert Comedy Queen. Grabe ang review ng last movie niya, talagang tinigok-tigok ito ng reviewer. Parang wala lang, kulang na lang ay sabihin ng reviewer na basura ang pelikula ni Ai-Ai.

FLOP MOVIE DRAG QEEN – Paolo Ballesteros. Sumadsad din sa takilya ang dalawang huling pelikula ni Paolo, the queen of make-over. Na-sad tuloy ang kabekihan dahil sa nangyari sa kanyang movie which didn’t make it sa box office. Hindi na-Die Beautiful ang kanyang pelikula, parang wala ng himala.

KAMBYO KING – Joey de Leon. When he tweeted about being tanga kung malunod ka sa Dead Sea at biglang bawi sa caption nang ma-bash ng netizens ay marami ang nawalan ng gana sa laos na komdyante. Bakit daw hindi niya napanindigan ang kanyang caption. Bakit nga naman niya binago ito.

ILUSYONADA QUEEN – Mocha Uson. Masyadong feeling itong si Mocha – feeling matalino, feeling sikat, feeling maganda. Now, she’s entertaining the thought of running for a senate seat. Ano raw? Nabigyan ka lang ng ilusyon naniwala ka naman.

STARLET FOREVER PRINCESSES – Bea Binene, Kim Domingo, Barbie Forteza. They will never make it. Wala silang appeal sa masa. Although they’re beautiful and sexy, they’re lacking in X-Factor. Kulang sila sa artista values.

STARLET FOREVER PRINCE – Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Mark Herras. Sila ang mga hindi umangat-angat ang career. Although meron naman silang ibubuga, parang wala pa ring mangyaring himala sa kanilang mga karera. Hindi sila malalaos dahil hindi sila sumikat. Never!!!

NUISANCE WRITER AWARD – Suzette Doctolero. Masyadong feeling omniscient ang writer na ito ng GMA-7. Feeling matalino pero hindi naman mapanindigan ang mga aria sa social media. Biglang kumambiyo after sabihin na “may nagbabasa pa ba ng taboid?” Na-bash nang husto dahil sa kataklesahan. Member ng tapang-tapangan school of acting. Tse!

ASSUMERA QUEEN – Kakai Bautista. For some, ilusyonada to the max itong si Kakai who was once linked to Mario Maurer and then to Ahron Villena. Parang feeling niya ay sobra siyang kagandahan. That had us laughing. UNCUT/ALEX BROSAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply