Mga sari-sari store planong patawan ng SRP

PLANO ng Department of Trade and Industry (DTI) na patawan na rin ng suggested retail price (SRP) ang mga itinitinda sa mga sari-sari store.

Gayunman, sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo na iba aniya ang magiging SRP sa mga sari-sari store lalo’t hinahango lamang ng mga ito ang produkto mula sa supermarket at iba pang pamilihan.

Samantala, tiniyak naman ng DTI na linggo-linggo ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga pamilihan para matiyak na pasok pa rin sa SRP ang presyo ng mga pangunahing bilihin. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply