Minibus sumalpok sa concrete barrier, 18 sugatan

POZORRUBIO, PANGASINAN – Malubhang nasugatan ang 18 katao matapos bumangga ang kanilang sinasakyan minibus sa isang concrete barrier sa ginagawang tulay sa Brgy. Bobonan, Pozorrubio sa nasabing lalawigan.

Nakilala ang mga biktimang sina Christian Ambojnon, Cyrelle Serquenza, Wifalyn Ricardo, Elizabeth Serna, Janna Jaramillo, Rene Jaramillo, Shirelyn Castro, Sophia Harmony Castro, Lycca Abalde, Cristine Pajarillaga, Beejey Castro, Javy Jaramillo, Stephanie Ragas, Julie Ann Dalisdis Jane Catanglan, Pablo Soriano at Jhunie Naciza.

Sa paunang imbestigasyon, minamaheho ng isang Edwin Leonard Domenden ang minibus na kung saan ay nakasakay ang mga biktima.

Ayon sa Pozorrubio police, galing ang minibus sa Baguio City at papuntang Tarlac upang dumalo sa isang bible mission ngunit pagdating sa nasabing barangay may iniwasan umano si Domenden at dito nawalan ng control ang manibela.

Dito tumama sa concrete barrier sa ginagawang tulay ang sasakyan at dahil sa lakas ng impact, nagkarambola sa loob ng minibus ang mga pasahero nito resulta ng pagkasugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at ulo.

Agad naman isinugod angmga biktima sa pinakamalapit na ospital at patuloy ang sinasagawang follow-up investigation sa nasabing insidente. ALLAN BERGONIA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply