Misunderstood lang si Pia!

SA isa naming kolum, napuri namin si Pia Wurztbach dahil sa pag-amin n’ya na may malulungkot at pobreng-pobreng Pasko siya nung bata pa siya dahil sa paghihiwalay ng ama’t ina n’ya. Hindi siya nagpasosyal.

Pinuri rin namin siya dahil sa payo n’ya sa kanyang sarili tungkol sa marriage. Ginawa n’ya ang pagpapayo na ‘yon habang nakaharap siya sa “golden mirror” ng Tonight With Boy Abunda sa ABS-CBN 2 kamakailan lang.

‘Di naging kontrobersyal ang sagot n’yang: “Life does not end when you get married. Your career should not end when you get married. You having fun should not end when you get married.”

Actually, parang promo guesting n’ya yon para sa “Gandarrapido: The Revengers’ Squad,” ang Metro Manila Film Fest entry nila nina Vice Ganda at Daniel Padilla, mula sa Star Cinema.

Nung gabing yon pala ng paggi-guest n’ya, tinanong din siya ni Boy Abunda tungkol sa napababalitang gusto n’yang magkaroon ng anak na bading. Ang sagot n’ya ang biglang naging kontrobersyal sa ilang netizens (na siguro ay mga bading).

Bahagi ng sagot n’ya ay: “Not to say na hindi ka aalagaan kung straight ‘yung anak mo, but based on my experience, iba mag-alaga ‘yung beki.

Puna ng netizen na si Sriraka Ronan: “Pia Wurtzbach’s statement regarding having a gay child reveals the truth about how she sees us, gay people.

“Someone whose purpose is to make her look beautiful, to do her make up, to be her “bestfriend.

“Damn, what a way to reinforce archaic stereotypes about gay people. Nakarating kay Pia ang puna na yon ni Ronan, kaya’t nag-tweet siya ng sunud-sunod na paliwanag. Unang paliwanag n’ya ay: “Shocked to see some comments online about what I said at TWBA. ????Please don’t misinterpret what I said. I have high regards for the LGBT. It was just a fun interview, guys! Meant no disrespect at all. Mahal ko kayo! Happy holidays everyone!”

Sinundan yon agad ng tweet n’ya na: “Namiss interpret lang po. Meant no malice at all. I didnt mean to offend anyone. I’m sorry for the misunderstanding.”

Pahabol pa n’yang tweet: “Lesson learned: always always be cautious with what you say!”

May ilang netizen na mapayapang tinanggap ang apology n’ya at pinuri pa ang humility n’ya. Meron namang ngitngit na ngitngit dahil sa perception nila na minaliit at binastos ni Pia ang mga bading.

Kami, personally, ang feeling namin ay wala namang intensyon ang Miss Universe 2015 na pailalim na laitin ang mga bading. Siguro, dapat lang ay binigyang-diin n’ya na napakaraming superb qualities and capabilities, at kabilang sa mga iyon ang pagiging mahusay na make-up artist at napakamaalagang mga anak sa kanilang mga magulang.

Ilang saglit lang naman meron ang mga iniinterbyu sa isang TV show para limiin ang bawat sagot nila. Wala silang sapat na panahon para gawing napakalalim o napakalawak ng bawat sagot nila. Kapuri-puri na nga si Pia sa pagkakasagot n’ya sa tanong ni Boy Abunda.

Going back nga pala ru’n sa tanong sa kanya tungkol sa marriage, hindi yon specifically tungkol sa kanila ng boyfriend n’yang car racer na si Marlon Stockinger. Tungkol yon sa paninindigan n’ya sa marriage regardless of whoever she marries.

At kung ang type ni Pia na lalake ay foreigner na ang gustong kasal ay sa America o sa bansang may divorce, posibleng di iisang marriage lang ang magkakaroon siya sa buhay n’ya. Ang mismong ina ni Pia ay ‘di isang beses lang ikinasal.

* * *

Mukhang sa pagiging action star magsisimula ang 2018 ni Anne Curtis.

Nagsimula nang ipalabas ang trailer ng “Buybust,” pelikulang idinirek ni Eric Matti, at kung saan isang napakatapang na anti-drug agent ang papel ni Anne.

Sa website na news.abs-cbn.com namin napanood ang napaka-impressive na trailer ng pelikula na tungkol nga sa isang operasyon para madakip ang mga miyembro ng isang sindikato ng droga. Parang maraming fight scenes si Anne sa pelikula.

Nasa cast din ng Buybust si Joross Gamboa na kung isang umaatikabong bading ang papel sa 2017 Metro Manila Film Festival entry n’yang “Deadma Walking,” sa Buybust naman ay isa siyang machung-macho na anti-drug agent.

Nasa lead cast din ng pelikula ang sikat na Fil-Am wrestler na si Noel Vera, ang napaka-versatile actor na si Nonie Buencamino, at ang bantog na fight instructor na si Levi Ignacio.

Production ng Viva Entertainment at Reality Entertainment ang “Buybust.”

Dati ay parang gusto ni direk Mati na isali sa 2017 MMFF ang pelikula, pero dahil ang tantya n’ya ay dispalinghado ang pamimili ng entries sa MMFF 2017, di n’ya itinuloy ang pagsa-submit ng pelikula n’ya sa selection committee.

Malamang ay sa first quarter ng 2018 ipalabas ang “Buybust.” SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply