Mosyon ni Tadeco ibinasura ng Ombudsman

HINDI pinaboran ng Ombudsman ang mosyon ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. na makapagsumite pa ng mga ebidensya na haharang sa kasong graft na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ay mangangahulugan na tuloy na sa Sandiganbayan ang kaso laban  kay Floirendo.
Batay sa counter affidavit ni Floirendo walang conflict nang pasukin nito ang joint venture agreement (JVA) sa Tagum Agricultural Development Co. (Tadeco) at Bureau of Corrections (Bucor) kaugnay ng paggamit sa lupa ng Davao Penal Colony.
Dahil dito, anumang araw ay posibelng maglabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan para kay Floirendo.
Sa isinumiteng counter-motion ni Alvarez, iginiit nitong walang merito ang pahayag ni Floirendo.
Ang Ombudsman ay nagsabing may probable cause para kasuhan si Floirendo sa paglabag sa Section 3(h) ng  Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil nakaupo itong kongresista nang muling pasukin ang kontrata noong 2003.
Batay sa Ombudsman pag-aari ni Floirendo ang may P7.5 milyong halaga ng Tadeco shares nang muling pasukin ng Tadeco ang JVA sa BuCor sa pamamagitan ng pag-upa sa may 5,308.36 ektaryang lupa ng Davao Penal Colony.
Ang nabanggit na lupa ay ginawang taniman ng saging ng TADECO.
Si Floirendo ay miyembro ng board of directors ng Tadeco at Anflo Management and Investment Corp. noong 2003 habang siya ay nakaupong kongresista.
Sa desisyon ng Ombudsman ay binibigyang diin dito na ang mga kongresista at senador ay pinagbabawalang magkaroon ng financial interests sa alinmang kontrata sa gobyerno. MELIZA MALUNTAG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply