Nagbabayad nang malaki para mayroong kausap!

KOMOKONSULTA pala si Claudine Barretto sa isang psychiatrist. At ginagawa n’ya yon hindi naman dahil sa nasisiraan siya ng bait. Gusto lang n’yang magkaroon ng isang confidante na nakakausap at napagtatapatan ng mga saloobin n’ya.

Si Claudine mismo ang nagbulgar ng pagkakaroon n’ya ng psychiatrist na itinuturing n’yang mentor and sister. Ginawa n’ya ang paglalantad sa pamamagitan ng kanyang Instagram page na @claubarretto. Nag-post siya ng mga litrato na kasama n’ya ang psychiast na ang tawag n’ya ay “Doc Babes.

Pahayag n’ya: “Yes, i do see a Psychiatrist! Im Proud to have my Doctor/Mentor/sister as my Doctor. Thank u Doc Babes i luv & look forward talking & seeing & bonding with u.

“Through my ups & Downs your words of wisdom, Compassion & luv keep me going. I am PROUD to be your Patient.”

Natuwa naman ang ilang netizen fans n’ya sa ginawa n’yang pag-amin na nagpapa-psychistist siya. Isa sa mg yon ang nagbigay-diin na sa Pilipinas lang naman daw laganap ang paniniwala na ang mga nasisiraan lang ng bait ang dapat komunsulta sa psychistrist. Sa Amerika raw, maski ang mga kabataan ay nakikipag-usap sa mga psychiatrist kung problematic sila. Ang netizen fan na si “sweetbobbygale” ang nagpahayag nu’n.

Samantala, baka maibalik ng Viva Films ang tambalang Claudine-Mark Anthony Fernandez. Nagpakita silang dalawa kamakailan sa opisina ng nasabing kumpanya.

Alam n’yo na sigurong kalalabas from detention ng anak ni Alma Moreno at ng yumaong Rudy Fernadez. Si Mark Anthony ang kauna-unahang naging boyfriend sa showbiz ni Claudine.

Ang taba pala ni Ness (Alma) ngayon. Napanood namin siya kamakailan sa Maalaala Mo Kaya, kasama nina Andrea del Rosario, at Shamaigne Centenera. Parang kasintaba at kasing ganda ni Ness si Karla Estrada.

* * *

Ipi-press preview na ang “‘Night, Mother!” ni Eugene Domingo at Sherry Lara sa PETA Theater Center. Sa February pa naman ang regular showing ng stage play nakasalin na sa Filipino/Tagalog kahit na yung original English title pa rin ang ginagamit ng PETA sa pagpo-promote ng produksyon.

Magsimula na kayong mag-ipon ng pambili ng tiket para mapanood n’yo si Eugene sa isang napakaseryosong dula. Alam n’yo bang ako man ay di pa napapanood si Eugene sa isang seryosong dula sa entablado?

Napanood ko yung unang pagganap ni Uge (Eugene) sa PETA ilang taon na ang nakararaan, sa dulang “Bona” na ginawa ng PETA na mas comedy kesa drama.

Ang Bona ay orihinal na pelikulang idinirek ni Lino Brocka mga 30 tsona nagtampok kina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Halos walang sense of humor ang pelikulang yon ni Brocka pero binakla ng PETA yung bersyon nila kaya naging comedy. Si Edgar Allan Guzman ang itinambal kay Uge. At ang yumaong si Soxy Topacio ang nagdirek nu’n, at dahil siguro magaling na comedian si Soxy bilang aktor kaya ginawa niyang comedy ang Bona.

Mahirap gawing comedy ang “‘Night, Mother” dahil tungkol ito sa isang mag-ina at ang isa sa kanila ay nagbabantang magpakamatay. Dalawa lang ang tauhan ng dula.

Ang napakahusay na stage actor na si Melvin Lee ang magdidirek nito.

Sa University of the Philippines nagsimula si Uge bilang stage actress. Nakilala siya ru’n bilang dramatic actress. Sa pelikula siya sumikat bilang comedian.

May suspetsa akong mas mahusay siyang drama actress kesa comedian. Panoorin natin siya sa “‘Night, Mother” para masiguro natin kung saan siya mas mahusay talaga. SHOWBYTES / Danny Vibas

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply