Nahambal ang mga fans ni Angel nang malamang magtatapos na ang kanyang character sa La Luna Sangre!

NA-bash nang husto ang GMA-7 at ang Primetime Queen kuno na si Marian Something all because nasa chopping board na pala ang teleserye ng dyowa ni Dingdong Something.

Nag-pilot noong September 18, last year ang teleserye ni Marianita at tumagal lang ito ng apat na buwan kung last three weeks na ito sa ere.

In short, one season (13 weeks) lang ito nagtagal sa ere.

Eh, ‘di ba may paandar ang GMA-7 na mataas ang rating nito, na umabot pa sa 48 something ang rating nito, so bakit nila ito tsutsugihin?

Sa comments ng netizens sa Facebook ay puro lait ang inabot ng GMA-7 maging si Marian.

“Anyare? Akala ko ba top rated to? Andame ng napatumba sa Dalisay mga kapuso #1 pa rin ba kayo?”

“Naka ilang months ba ang show ni Marian? Hahaha sabi ko na matsutsugi din soon pero #1 lagi ang claim hahaha mga adik.”

“4 months old lang pala yan…prang talk show lang din nia. #1 po yan sa agb dba sbi nla?”

“Bye bye Asia’s Primetime Queen! Ibang klase talaga ang bangis ni Dalisay… Ahahaha.”

“Hahaha lahat ng palabas ng gma lahat nagwawakas.”

“dapat gumawa rin ang gma ng pelikulang ‘ang taga syudad’ pantapat sa ‘ang probinsyano’ hahaha.”

***

Fans of Angel Locsin were surprised when she posted on her Instagram account about her pa-last day sa La Luna Sangre.

Marami ang nagulat sa post ni Angel at higit na marami ang nag-react sa Facebook.

Love na love kasi nila ang Jacintha Magsaysay character ng aktres a tisa ito sa mga dahilan kung bakit talagang tutok sila sa teleseryeng pinagbibdahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Mawala na ang lahat sa LLS huwag lang si Jacintha.”

“Itatapon ko na ang tv ko kapag nawala na ang aking mahal na si Angel locsin sa #LLS maglalasing ako gabi gabi!”

“Dahil ki jacinta kya gumaganda lls at sya lng ang may maganda action scene.sayang kong ngaun week last figth scene nila ni sandrino.at kong magpapaalam na tlga si jacinta sa lls,tipid na kmi sa kuryente off tv na.”

“Ok lang kahit maging baldado ang maging role basta hindi ka lang mawala sa paningin ko at ng mga nag aabang sya.”

“Go jacintha wish ko lang sana dika mawawala sa LLS.”

“Pano kaya kung sa mismong gabi na rin pala ito magpapaalam si jacintha?,,nakakakaba talaga ang mga magaganap…tingnan nalang natin..??????…pero ramdam ko talaga na ito na ang huling gabi ni Angel sa LLS..nagpahiwatig na kasi sya kay Malia eh…wag naman sana.”

***

Sharon Cuneta is one big fan of Neri Miranda’s business acumen kaya naman sa recent FB post niya ay puring-puri niya ang dyowa ni Chito Miranda.

“Tuwang-tuwa ako Kay Mrs. NERI MIRANDA, wife of Parokya ni Edgar’s Chito who is Kiko’s nephew. I am always happy to help in my own little way people who deserve it, and Neri is one of them. You know naman no one can just come up to me and say “Uy pakipost naman ito para magkafollowers (or customers) kami!” I have to know what I tell people about kasi baka they will hear about them from me and support them yun pala pangit naman ang products o services, ako ang mapapahiya! Itong si Neri sure ako okay ang products! And I love people who, like me, think of ways to make a living di lang isa o dalawa. Parang ako si Neri – kulang na lang tumulay sa alambre! Yan ang hinahangaan at tinutularan. Please support her products. Someone na kasing passionate niya ay di puedeng di committed sa quality! Please follow her on IG sa napakarami niyang business accounts! @nerisbakeshop @neriscottage @nerisukayan @nerigourmettuyo @mrsnerimiranda.”

‘Yan ang post ni Sharon which her fans lauded. Magaling at maabilidad naman talagang misis si Neri kaya deserve nito ang papuri. UNCUT/ALEX BROSAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply