Nai-intimidate kay Dennis Trillo!

SOMETHING new para kay Lovi Poe na gumawa sa GMA 7 ng sexy-romantic-comedy na serye sa ilang years niya sa industriya. Light daw ang “The One That Got Away” dahil lahat ng teleserye na ginawa niya ay puro heavy drama.

Hindi raw sila masyadong nagka-eksena ni Dennis Trillo sa “Mulawin” kumpara sa “TOTGA”.

“Siyempre, nakai-intimidate na kaeksena si Dennis. The last time na nakaeksena ko siya ay sa “My Neighbor’s Wife”. ‘Yun ang last time talaga na magkatrabaho kami,” saad niya.

Bakit siya nai-intimidate?

“Dahil siya ang GMA Drama King tapos hindi ko pa genre kaya nakanenerbyos,” aniya.

Anyway, hindi pa pumapasok sa utak ni Lovi Poe na magpakasal na sa kanyang boyfriend na si Chris Johnson. Hindi pa raw niya naiisip kahit halos lahat ng kaibigan niya ay nagsipag-asawa na. Focus pa raw siya sa work at marami pa siyang gustong ma-achieve bilang individual. Gusto niya ay ‘buo’ na raw siya pag pinasok niya ang estado na ‘yan ng buhay niya. Wala rin daw siyang ideal age para ma-pressure na mag-asawa.

Pak!

-0o0-

Buong ningning na inihahayag ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang nararamdaman niya kay Jennylyn Mercado. Seryoso na siya mula nang magkabalikan sila ni Jen.

“Habang tumatanda ka, marami kang natutunan. Mas nagma-matured ka. Nagiging matino ‘yung pag-iisip mo,” bungad niya nang makatsikahan siya sa presscon ng bagong serye na “The One That Got Away”.

Parang ayaw na niyang mawala si Jennylyn sa buhay niya?

“’Yun na nga siguro,” pakli niya sabay ngiti.

“’Masaya kami,eh,” dagdag pa ni Dennis.

Nakikita na ba niya si Jennylyn ang makatutuluyan niya?

“Oo naman. Kailangan ma-imagine mo ‘yun dahil kung hindi… ibig sabihin may problema,” tugon niya.

Tinanong si Dennis kung nanood na siya ng filmfest entry ni Jen na “All Of You”?

“Hindi pa po,” sagot niya.

Nag-topless run si Jen, ano masasabi niya?

“Wala..meron ba?” nakangiti niyang tugon.

“May topless pa ba ngayon?” dagdag tanong pa niya.

Tumungo na lang siya nang sabihing ‘backless’ yung eksenang ginawa ni Jennylyn.

“Eksena ‘yun na kailangang gawin so, wala namang kailangang ikagalit dun o pag-awayan dahil siyempre, ‘yun ang nagbabayad sa mga bills namin. Trabaho ‘yan,eh,” sey pa niya.

Ano naman ang reaction niya na nai-intimidate si Lovi Poe sa kanya bilang kaeksena sa “The One That Got Away.”

“Ako rin naman ako sa kanila. Feeling ko healthy ‘yung ganoon na nararamdaman sa co-actor mo. Pag naramdaman mo ‘yun, ibig-sabihin ay nandun ‘yung respect mo, parang gusto mong pantayan ‘yung capacity ng co-actors mo,” katwiran niya.

Sa January 15 ay mapapanood na ang “The One That Got Away” pagkatapos ng “Kambal Karibal”. Tampok din sina Lovi Poe,Rhian Ramos, Max Collins, Jason Abalos, Ivan Dorschner, Migo Adecer, Bembol Roco, Snooky Serna, Luz Valdez, Ervic Vijandre, Jason Francisco, Ayra Mariano, Sophie Albert, Ashley Rivera. Ito ay sa direksyon nina Mark Dela Cruz at Conrado Peru.

-0o0-

New Year na New Year pero parang isang advance Valentines’ celebration ang ginawa ng Kapuso love team na BiGuel a.k.a. Bianca Umali at Miguel Tanfelix na siyang bida ngayong sa well-loved primetime series na ‘Kambal, Karibal’.

Paano ba naman kasi, sa litratong pinost ni Miguel sa kanyang Instagram kamakailan, proud niyang ibinahagi ang ‘first hike’ nila.

Naku, huh! #RelationshipGoals sila!

Pero sa kanilang serye naman gabi-gabi, tila parehong may gusto sina Diego (Miguel Tanfelix) at si Makoy (Jeric Gonzales) kay Crisan (Bianca Umali) at hindi basta basta magpapatalo ang dalawa.

Masyadong mahaba ang hair ni Bianca!

-0o0-

Balik-taping agad sa top-rating Afternoon Prime soap na ‘Impostora’ ang lead star nitong si Kris Bernal.

Hindi maikakaila na intense ang mga eksena dito ni Kris kaya masaya siyang nakapagpahinga nitong Christmas break. Bilang reward sa ilang buwan na hard work, pupuntahan ng aktres ang isa sa mga dream destinations niya sa susunod na taon.

Lilipad papuntang Iceland si Kris sa darating na Pebrero para makita ang aurora borealis o ang Northern Lights. Naikwento rin ni Kris, isa sa mga New Year’s resolution niya ang maging mas matipid.

“Madalas kasi kapag feeling kong overworked ako or burn out ako, parang feeling ko, ‘Ay kailangan ko ng bagong bag or bagong shoes!’ Pero ngayon parang gusto ko talagang mag-invest sa lupa, sa business,” bulalas niya. XPOSED/ROLDAN CASTRO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply