Napikon si Imelda, cool lang si Claire!

DAPAT LANG!

ni Pete G. Ampoloquio, Jr.

HALATANG nairita at napikon si Imelda Papin sa mga jokes ni Rico J. Puno sa kanila ni Claire dela Fuente sa presscon ng kanilang forthcoming show which is slated to detonate on the 14th of February sa Newport Performing Arts Theater.

Samantalang chill lang si Claire sa pang-aalaska ng supposedly ay total performer na si Rico, dinamdam ni Mel ang mga naughty jokes at pang-aalaska ng male singer.

Well, si Claire ay sanay na sa mga pang-aalaska ni Rico. Tinatawanan na lang niya ang mga vulgar jokes nito dahil kilalang-kilala naman ang total performer sa pagiging numero unong alaskador.

Kailanman ay hindi napikon si Claire sa mga benggansa ni Rico. She took her vulgar jokes for what they are – vulgar jokes, no more, no less.

Right after the presscon, sinabi raw talaga ni Imelda na okay lang na paglaruan ang kanilang edad but it’s grossly unethical to be talking about their looks.

Oo nga naman.

Kung ako naman kay Imelda, babanatan ko rin ang parang panat na pipinong mukha ni Rico J. at ang parang hindi pantay na paglalakad nito gayung patag naman ang daan. Harharharharharharharharharhar!

Well, on Claire’s part, she doesn’t want to glorify Rico’s cheapness.

Deadma lang siya as in totally indifferent to his cheap overtures.

Si Eva nga na wala roon ay pinaglaruan din ni Rico at sinabing nawala raw siguro ang ilong nito kaya hindi nakarating.

Basta ang mahalaga, nakakakanta pa rin silang dalawa ni Mel nang tulad nu’ng kanilang kasikatan during the late 70s and early 80s.

Si Rico J.? Makakakanta pa kaya? Hindi nga ba’t hirap na itong abutin ang matataas na nota ng kanyang mga awitin dahil sa pagiging alcoholic niya ever? Hakhakhakhakhakhakhak!

‘Yun nah!

* * *

Sandino Martin, walang takot maghubad!

During Ang Larawan’s thanksgiving party that was held at the Resorts World Manila, Sandino talked about his past projects and the one that he’s doing right now for ABS CBN, Blood Sisters featuring Erich Gonzales.

He remembered doing the indie film Esprit de Corps in which he co-starred with JC Santos and Lharby Policarpio, delineating young men as ROTC cadetsin an all-boys school during Martial Law.

Sandino remembered that the project was almost cancelled for the simple reason that one of its lead actors got fired from the project. He recommended JC for the role in this Cinema One Originals 2014 entry.

Sandino was acquainted with JC for they both studied Theater Arts at the University of the Philippines-Diliman.

The project, he said, was in danger of being dissolved because it was not working out with another actor. Sandino told their director Auraeus Solito that he knew of someone who’s very good and who happens to be a fast learner to boot.

Those who watched the movie remember many memorable scenes, the kiss between Sandino and JC, included.

Mas gusto raw ni Sandino ang maka-kissing scene ang isang guy na kakilala na niya compared sa masasabing stranger.

Parehong galing sa Theater Arts program ng UP Diliman, hindi na bago ang man to man kissing sa kanila ni JC.

Isa pang scene na memorable sa Esprit de Corps ay ang eksenang nag-frontal nudity si Sandino.

Naghubad raw siya. As in totally nude. Si JC, hanggang puwet lang. Kailangan may isa raw kanilang maghubad dahil pinakikita roon ang evolution of the nakedness of a man.

His open-mindedness to nudity was influenced by his trip to Europe in the past.

Nagpunta raw siya sa Europe for a month at nakita niya sa mga European films na wala silang pakialam. Part raw of the human phy- sicality so okay lang pero hindi raw niya kaya sa theater. Sa pelikula, okay lang.

“Nagmo-monologue ako nun. I was doing a scene with Lharby. Nakaupo ako sa jumping board (sa pool), hubo’t hubad, then magsu-swimming ako. Siguro mga 6-8 takes yun. I got used to it.”

Papano raw siya nag-prepare sa kanyang frontal nudity scene?

“Hindi ako nag-workout,” he asseverated. “Sapat na yung takbo-takbo namin during the military training (in preparation for filming).

“I was in a relationship when I was shooting it. Siyempre pinagpaalam ko naman.”

Nang lumabas raw ‘yung pelikula, he felt kind of uneasy.

Would he do it again?

“I’d do it again…in the next ten years. You saw it for a very long time, you might see it after… Kasi gusto ko iba naman ang physical (appearance). I want to age a bit. Mature a bit. Those kinds of things. So if you bare it all, there’s new meaning.

“I would love to be a lot of people. That’s the gift you have as an actor. To be someone you are not.

“I’m planning to be in the business for a very long time. I want to evolve as an artist in the near future.”

* * *

Claudine Barretto, nagsimulang magka-panic disorder mula nang mamatay si Rico Yan

Marami raw ang bumilib kay Claudine Barretto nang unang ibinahagi niya sa isang Instagram post ang pag-visit niya sa isang sikat na psychiatrist na si Dra. Bernadette Manalo-Arcena.

“I’m just so happy and talagang thankful kasi grabe mga tao, the comments, parang lahat ng tao ngayon, they’re very open, they have so much compassion towards other people who are going through any kind of mental illness.”

Tatlong psychiatrists na raw ang kinonsulta prior to her consultation with Dr. Arcena.

Nagsimula siyang ma-diagnose na may panic attacks noong 2002.

“I just felt na parang mamamatay ako, hindi ako makahinga, parang I was sinking, I was drowning, ‘tapos parang lumiliit yung kuwarto, nagko-cold sweats ako ‘tapos hihimatayin ako.”

Inamin niyang nag-umpisa ito noong mamatay Rico Yan noong March 29, 2002.

Paliwanag naman ni Dr. Arcena, “Artista siya, so kumbaga, the pressure and yung trabaho mismo, I could just imagine na napaka-tedious.

“At saka hindi lang yun, yung mga expectations ng hindi lang ng ibang tao, e. Family, fans…

“Para sa akin, it takes its toll on her plus a death of a significant other na siyempre noong time na yun, pag gano’n ang age mo, the love of your life na mawawala sa buhay mo.”

Hanggang ngayon, ay dala-dala pa raw niya ang paggi-grieve dahil she was really never allowed to do that.

“I just really kept on working and working,” she averred. “I want to tire myself para pag-uwi ko, talagang tulog na lang, hindi ko na maisip yung pagkamatay ng ex-boyfriend ko noon.

“Ang gusto ko lang, mapagod. Hindi pa talaga ako yung talagang nakapag-rest para umiyak, up to this day.”

But she still visit Rico’s grave regularly.

“There’s still a lot of Rico-Claudine fans na yung hiniling ko lang when he died was huwag siya kalimutan ng tao and hindi nakalimot yung tao,” she said in earnest. “The little that I have left of him, I share it with those who miss him also.

“But that’s how it all started. Yun po yung start ng panic disorder.”

Ano pinakamalalang atake na nangyari sa kanya happened some two years ago.

“‘Yung panic attacks ko,” she quipped, “it’s too much to handle tapos she (Dr. Arcena) called me, she calmed me down.”

Right after Rico’s death, she got married to Raymart Santiago.

“I tried to leave yung part ng kay Rico behind when I got married,” she quipped. “Siyempre, I have to focus on my husband and children but it was always there.

“Pagka birthdays, nandiyan naman ako. Kahit paano naman naging supportive naman yung ex-husband ko.”

Anyway, last December 2017, naging usap-usapan ang pagtulong ni Claudine sa isang sugatang lalaki.

Galing raw siya sa isang Christmas party nang may nadaanan siyang hospital na parang nagkakagulo.

Bumaba raw siya at nakita niyang may lalaking nabaril dalawang beses at kailangang dalhin sa ibang ospital.

Ang kaso, walang ambulance. Maliit lang daw kasi yung hospital. So, ang sinabi niya, sumakay sila sa kanyang kotse.

“Dinala namin,” Claudine said. “But the whole time, iniisip nila yung kotse dahil puro dugo. Pero he survived.”

Sa nangyaring ito, nakita raw niya ang purpose niya sa buhay.

“I just really like to think na God has been blessing me to be a blessing to other people kasi yun lang naman ang gusto ko, e, na everyday magawa ko talaga yung purpose ko in life,” she said with a smile.

* * *

Katrina Paula, gustong makatulong sa pag-raise ng funds para sa bail ni Sabrina M!

Katrina wants to talk to Robin Padilla so she could ask some help in raising the sum needed for Sabrina’s bail.

Nakausap ng press si Katrina sa DZRH last January 19, at ikinuwento nito kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ni Sabrina sa loob ng Camp Karingal.

Sa Camp Karingan naka-detain si Sabrina right after na mahulihan siya ng droga two years ago.

Nag-feature raw kasi ang I Juander ng GMA News TV info-tainment show ng mga dating sexy stars na successful at saka ‘yung hindi nagtagumpay. Naisip raw niya si Sabrina pero siyempre, magpaalam muna raw siya kaya dinalaw niya ito sa Camp Karingal.

Na-shock raw siya sa malaking pagbabago ng kaibigan.

Nakahahabag raw ang dating sexy actress dahil sa sahig lang ito natutulog at may sapin lang na karton.

Naisip raw niyang isang araw ka lang matulog sa sahig, sobrang hindi na okay, e, si Sabrina mag-dalawang taon na raw.

Nagkaiyakan raw sila at nakiusap nga ang huli na tulungan siyang makalabas.

Puede na raw itong magpyansa kaso mo ang laki ng amount na involved – five hundred thousand pesos.

Gusto raw talaga niyang tulungan si Sabrina dahil nakikita naman niya rito ang willingness na magbago.

Sa ngayon, susubukan raw niyang kausapin ang mga kaibigang dating sexy stars na baka meron daw silang maibigay na tulong.

Wala raw siyang hinihinging eksaktong amount. Kahit magkano lang ang kanilang maiambag.

Baka raw magpa-benefit show siya o humingi ng tulong sa Actors Guild o KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon) under the leadership of Ms. Imelda Papin.

Gusto rin daw niyang lumapit kay Robin Padilla dahil alam naman daw niyang malaki ang maitutulong nito sa kanyang kaibigan.

“Kailangan ko po talagang hingin ang tulong ni Robin Padilla para run sa isang kasamahan namin sa industriya na matulungan si Sabrina M, at para makapagbagong buhay siya,” she said with full emphasis.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply