Nasasaktan na sa pinaggagagawa ni KC!

HINDI makapagpigil si Sharon Cuneta sa pagri-react sa pagri-re-post ng anak n’yang si KC Concepcion kamakailan sa Instagram n’ya (@itskcconcepcion) ng luma n’yang litratong napaka-sexy.

Bilang reaksyon, nag-post naman si Sharon sa Facebook n’ya ng lumang litrato rin n’ya na supposedly ay sexy rin. Pero mukhang pagpapatawa lang yon ni Sharon para itago ang disappointment n’ya sa sobrang sexy na mga litrato ng anak n’yang panganay.

Walang bra si KC sa litrato, naka-leather jacket, at naka-black panty lang. Nung Huwebes (January 11) lang lumabas ang re-post ng litratong yon na nilagyan ni KC ng caption na “throwback!” Nung Biyernes (Jan. 12) lagpas na sa 104,000 ang nag-like sa super sexy pic na yon.

Sa kabilang banda, ang isinulat naman ni Sharon sa Facebook n’ya ay: “HAH!!! Cassandra Concepcion, ayan naka-wig at swimsuit [ako] habang binabasa sa loob ng napakalamig na studio sa ABS-CBN! Inunahan mo ako Kristina sa pose kong walang swimsuit!

“Next time, I will wear only make-up and perfume. Iniisip ko pa kung maglalagay ako ng scarf sa leeg para naman di totally walang tela. Hahaha! (The song I sang in this music video was ‘Save Me.’ In other words, ‘SAKLOLO!!!’).”

Nung May 29, 2015, inilabas ng news.abs-cbn.com ang balitang ito: “Sharon on KC posing sexy: ‘Nasasaktan na ako!'”

Heto ang simula ng balitang yon: “Sharon Cuneta has vented her frustration over her daughter KC Concepcion’s ‘unnecessary too sexy poses,’ saying she is hurt whenever she sees the young actress’ daring outings.”

Sinabi rin ng ulat na yon na: “Cuneta was asked by a follower, Dany Pascual, for her reaction to a photo of Concepcion wearing a bra underneath a coat to pair with her trousers and boots.

“… But I also really honestly would have to say I do not like that she has done this and other unnecessary too-sexy poses.”

Ang litratong pinatutungkulan ay kuha sa pagtatapos ng summer workshop ng dance group na G-Force nung May 26, 2015 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Patuloy ng report: “According to Cuneta, the photo is not the first time she was shocked by Concepcion’s choice of outfits or poses for a public material.

“She said: ‘Sorry pero nanay ako… May mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat. Well, she’s an adult and unfortunately, all we parents can do is give our advice, di magkulang sa paalala… Sana lang din tama na yung poses na ganyan. Nasasaktan na ako.'”

***

Sa kabilang banda, kumusta naman ang relasyon ng mag-amang Piolo Pascual at Inigo Pascual?

Kaarawan pala ni Papa P. nung January 12. Aba, 41 years old na pala ang ex-boyfriend ni KC!

Nung Jan. 14, nag-post si Inigo sa Instagram [@inigopascual] n’ya ng pagbati sa mahal n’yang ama. “Idol” at “rock star” pala ang tawag n’ya sa papa n’ya.

Sabi ni Inigo: “Sup, idol? To be honest, you’re a true rock star. You amaze me. You have an interesting humor that is sometimes hard to understand, but I’m slowly learning. I enjoy learning from your ways.

“I am so blessed to be able to witness you grow as a person, and get younger day by day (which I question a lot). You look younger than me sometimes… even acts more millennial than me sometimes. But that’s what makes you the rock star that you are. #TunayNaLodi Love you, Pa. ?? Happy Birthday.”

Pag nagpi-pictorial na si Inigo nang napaka-sexy, nang halos kita na ang lahat, paano naman kaya magri-react si Papa P? Pareho rin kaya siya ni Sharon? O magdiriwang si Papa P? SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply