Naval, Biliran, inuga ng 3 magkakasunod na pag-uga

TATLONG magkakasunod na pag-uga ang tumama sa bayan ng Naval sa Biliran, kaninang umaga.

Alas-4:43 ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.8 na lindol ang Naval, Biliran.

Sa nasabing unang uga, naitala ng Phivolcs ang instrumental intensities na intensity 3 sa Naval, Biliran at intensity 1 naman sa Catbalogan City.

Samantala, ang ikalawang pag-uga ay naganap naman 4:48 ng umaga na may magnitude na 3.4.

Ang epicenter ng ikalawang lindol ay sa bayan pa rin ng Naval at naitala ng Phivolcs ang parehong intensities.

Nasundan pa ito ng mas mahina na magnitude 2.5 na lindol alas-5:08 ng umaga.

Sa ikatlong lindol, naitala naman ang intensity 2 sa Naval. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply