Net trust ni Pres. Duterte, tumaas sa +75% – SWS

UMAKYAT muli sa “excellent” +75 percentage points ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa fourth quarter ng 2017.

Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 8 – 16, 2017, nasa 83 percent ng mga respondents ang nagsabi na mataas ang tiwala nila sa Pangulo, habang pitong porsiyento lamang ang may kaunting tiwala sa punong ehikutibo.

Mas mataas ito kumpara sa +60 percentage points na nakuha ni Duterte sa third quarte ng nakaraang taon.

Sinabi ng SWS na magmula ng maupo sa puwesto si Pangulong Duterte, noong Setyembre 2017 lamang daw bumaba sa “excellent” ang kanyang rating. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply