Oil price hike na P0.35 hanggang P0.50, epektibo na

HINDI pa tapos ang serye ng pagtaas sa mga presyo ng mga produktong petrolyo na bumungad sa mga Pilipino sa unang buwan pa lamang ng 2018.

Ito’y dahil simula ngayong araw, epektibo na ang pagsirit na naman na P0.35 sa presyo ng gasolina at P0.50 na pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis.

Sa mga abiso ng Petron, Shell, Jetti, Total, Unioil, Phoenix Petroleum, PTT, Eastern Petroleum at SeaOil, kanilang ipatutupad ang oil price increase epektibo alas 6:00 ng umaga.

Samantala, ang Flying V naman ay nagpatupad ng oil price hike kaninang hatinggabi.

Matatandaang karamihan sa mga kumpanya ng langis ang nauna nang nagpatupad ng halos tatlong piso dagdag sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo dahil sa TRAIN Law.

Bago pa ang TRAIN Law, naging sunud-sunod na ang pagtaas ng presyo ng mga petroleum companies nitong Enero na umabot sa P1.75 sa diesel at P1.00 sa gasolina. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply