Oplan Mayon inilunsad ng DOH

DAHIL sa patuloy na pag-alboruto ng bulkang Mayon, naglunsad na ang Department of Health (DOH) ng “Oplan Mayon”.

Ayon sa DOH, sakaling dumagsa ang mga mangangailangan ng tulong medikal, maglalagay din ng contingency building na maaring gamitin bilang extension ward.

Kasabay din sa posibleng outbreak ng sakit sa mga evacuation center, activated na rin ang hospital alliance network sa mga pribadong ospital na sakop ng Rehiyon 5.

Bukod dito, inilagay na rin sa code blue rin ang mga ospital sa rehiyon.

Nangangahulugan lamang na ang kalahating porsyento ng mga personnel ng ospital ay kailangang naka-duty.

Kaugnay nito, nagpadala rin ang DOH ng dalawang Rapid Health Assessment Team sa Camalig, Guinobatan at Ligao City. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply