P100K pabuya sa makapagtuturo ng rapist na coach sa Marikina

MAGBIBIGAY na ng P100,000 pabuya ang mga magulang ng isang 12-anyos na batang babae para sa sinumang maakapagtuturo sa kinaroroonan ng dati nitong volleyball coach na paulit-ulit umano siyang ginahasa sa Marikina City.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek an si Dennis Gregory Laping, dahil mayroon nang tatlong arrest warrant laban sa kanya.

Nasa 10 beses umanong ginahasa ni Laping ang Grade 7 student sa pagitan ng mga buwan ng Pebrero at Abril noong nakaraang taon.

Ayon sa isa sa mga abogado ng pamilya, humingi na sila ng tulong sa publiko dahil dismayado sila sa kakulangan ng pagsisikap ng mga pulis para mahanap ang suspek.

Nahaharap sa mga kasong statutory rape, rape at sexual abuse si Laping.

Panawagan ng pamilya, kung sinuman ang may nalalaman sa kinaroroonan ni Laping ay tumawag o ipagbigay-alam lamang sa mga numerong 09178174748, 09454636430 o sa mga pulis. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply