Pag-aangkat ng bigas, luluwagan ng Senado

NAKATAKDANG paluwagin ng Senado ang pag-aangkat ng bigas sa pamamagitan ng pagsasabatas ng panukalang alisin ang probisyon sa quantitative restriction sa bigas dahil napaso na ito noon pang Hulyo kaya’t kailangan palitan ng batas, ayon kay Senador Cynthia Villar.

Sa panayam matapos ang pagdinig ng Senate committee on agriculture na kanyang pinamumunuan, sinabi ni Villar na kailangan nang palitan ang quantitative restriction sa batas upang hindi tayo makasuhan ng World Trade Organization.

Aniya, maglalaan ang pamahalaan ng kaukulang pondo sa pananaliksik ng uri ng bigas na papakinabangan ng magsasaka sa pamamagitan ng Philippine Rice Institute (PhilRice).

Ilalaan din ng pamahalaan ang ilang pondo na makokolekta sa pagpataw ng buwis sa pag-aangkat ng bigas sa mekanisasyon ng sistema ng sakahan upang umunlad ang magsasaka at mapalaki ang kanilang kinikita. ERNIE REYES

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply