PAG-IBIG FUND BUMUWIS NG HIGIT P2-BILYON PARA SA ROPA

NAGBAYAD ang Pag-IBIG Fund sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ng halagang P2,064,334,589.95 para sa basic Tax ng Real and Other Properties Acquired (ROPA) ng Fund. Ito ay upang mapagkalooban ng sila ng E-Certificate of Authority to Register (e-CAR).

Ang naturang katibayan ay kinakailangan upang maipalipat ang pangalan ng titulo sa Pag-IBIG Fund. At sa oras na maisalin ito sa pangalan ng Fund, maari na itong maipagkaloob sa mga miyembro.

“Ang Pag-IBIG Fund ay naka-base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-alok ng panlipunang benipisyo sa mga Pilipino. Ginagawa ito ng Fund sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga oportunidad na magkaroon ng bahay, tulad ng programang BALAI Filipino (Building Adequate, Livable, Affordable, and Inclusive Filipino Communities),”pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Bilang isang ahensya ng gobyerno, prayoridad ng Fund ang tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagbabayad ng buwis para sa ROPA ay paunang hakbang pa lamang sa patuloy na pakikipagtungan ng Pag-IBIG Fund sa BIR upang lumikha ng maraming pabahay sa mga tao,” dagdag ni Moti.

Samantala, nagbigay tugon naman si BIR Commissioner Atty. Caesar R. Dulay na handa silang makipagtulungan sa Fund sa anomang bagay na kanilang magagawa.

“Salamat sa Pag-IBIG. Sana ay makatulong din kami sa inyo,” pahayag ni BIR Commissioner Dulay.

SANITATION STUDY NG PINAS, TINALAKAY SA ARGENTINA

Inilungsad sa 2017 International Water Association (IWA) Water and Development Congress and Exhibition sa Buenos Aires, Argentina ang isinawang pag-aaral ng Manila Water Foundation (MWF) at International Finance Corporation (IFC) hingil sa Philippine urban sanitation condition.

Nais ng naturang pag-aaral na mapaghusay pa ang lokal na programa sa sanitasyon ng MWF, na isa sa kanilang mga hangarin mula noong sinimulan ito noong 2015. Pakay din nilang isama ang sanitation program sa community-based water projects.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa mga piling urban at semi-urban na lugar sa kalakhang Maynila at iba pang syudad sa bansa, lumalabas na 9% parin sa mga respondente ang walang pribadong palikuran at dumudumi parin sa bukas na lugar, 3% ang gumagamit ng mga lalagyanan bilang alternatibong solusyon, ngunit pareho parin itong nagdudulot ng masamang epekto sa katawan at kapaligiran.

Sa mga nakalap na datos, ipinapakita rin na ang kawalan ng pribadong palikuran ay mayroong psycho-social na epekto, tulad ng; pagiging sentro ng usapan, pagpila upang makagamit ng palikuran at ilang isyu patungkol sa seguridad.

Subalit, pinakamahalagang nalaman dito na maraming tao ang nais maisayos ang kanilang sanitary conditions. Nagkakaroon lamang ng hadlang dahil walang sariling lupa, limitadong espasyo at ang kawalan ng salapi.

Sa huli, nabigyang-diin din dito ang ugnayan ng sosyal, teknikal at pinansyal na kondisyon ng komunidad sa pagtukoy sa nararapat na sanitary solutions. HILDA ONG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply