PAGADOR (2)

UPDATE po ito sa pulis na gumagamit ng alyas Nomer o Omer na hindi ko alam kung ginagamit ni Rizal Provincial Director Supt. Albert E. Ocon sa pagkuha ng lingguhang “timbre” sa mga illegal na pasugalan.

Hindi ko rin alam kung nagne-name drop lang ang mamang ito.

Ang latest na “impo” natin ay patuloy pa rin daw na kumokolekta ang pulis na ito sa mga pasugalan at iba pang vices sa buong lalawigan ng Rizal gamit ang pangalan ng opisyal.

Pero nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng pagkakabulgar natin sa tunay na pagkatao nitong si Omer na ginagamit umano ni Ocon na collector sa mga vices ay patuloy pa ring umoorbit sa mga iligal na pasugalan.

Hindi lang alam kung umiikot din ito para sa illegal drugs. Ibang klaseng official itong si Supt. Ocon dahil dekalidad na police official ito.

Perosa dinami-rami ng mga pulis na kanyang makukuha para mangolekta para sa kanya ay kung bakit ito pang si alyas Omer ang kanyang kinuha gayong kabilang ang pangalan nito sa mga listahan ng mga high value target ng Regional Intelligence Division (RID) ng PNP.

Madali lang namang makilala itong si Omer. Una, semi-kalbo ang mamang ito, payat, maputi, medyo matangkad at ang hindi makalilimutan sa kanya ng mga iligalista ay ang palaging “paghirit” nito (‘yun bang hingi nang hingi) na kaladkad ang pangalan ni PD. Kesyo kailangan daw ni PD.

Tingnan ninyo, sa pagkatao pa lang ni Omer ay basang-basa na ito sa mga Rizaleño pero sa kabila nito ay siya pa rin ang ginagamit umano ni Ocon kahit na minsan nang na-link ang pangalan ng scallawag cop na ito sa illegal drugs.

Bahala na kayong mag-isip, bayan.

HINDI MATIBAG DAHIL KAY HEPE

Sa Region-3, lalo na sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, patuloy pa rin na namamayagpag ang puwesto pijo ng drop balls at double your money ni Egay na bayaw raw ni King Arthur.

Nasa Brgy. Sambermicristi, Sgt. Berong, Nueva Ecija ang pwesto nito.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit tila hindi kumikilos ang hepe ng Cabanatuan City na si Supt. Ponciano Zafra.

Bakit, bakit, bakit kaya?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply