Pagbabalik ng Oplan Tokhang ‘wag ikabahala – PNP

PINAALALAHANAN ng PNP ang publiko na hindi dapat mabahala ang publiko sa target na ibalik ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang”.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na hindi naman dapat ikatakot ng mga tao ang “Oplan Tokhang” na ang tanging layunin ay makiusap sa mga tukoy na gumagamit ng iligal na droga.

Ipinaliwanag ni Albayalde na ang “Oplan Tokhang” ay pagpapasuko o panghihikayat na sumuko sa mga drug user o pushers.

Kung mayroon man aniyang mga nasasawi, iyon ay nagaganap sa mga lehitimong operasyon gaya ng buy-bust operations lalo na kapag nanlalaban ang mga target.

Sa pagbabalik ng “Oplan Tokhang”, sinabi ni Albayalde na kakatok sila sa mga bahay ng mga ‘identified’ na gumagamit ng iligal na droga para himukin itong sumuko. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply