Pagpapatalsik sa mga senador na dadalo sa Con-Ass pinasinungalingan

HINDI yan magkakatotoo.

Ito ang reaksyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa naging banta ng ilang senador sa kapwa senador na ie-expel o patatalsikin ang mga dadalo sa Constituent Assembly na ipatatawag ng House of Representatives.

Ayon kay Alvarez, walang magagawa ang ilang senador kung piliin man ng kanilang kasamahan na magpartisipa sa Con-Ass ng Kamara, malinaw umano na ang ganitong banta ay hindi makatotohanan dahil halal ang mga senador kaya hindi maaaring patalsikin lamang kung hindi sang ayon sa posisyon ng iilan.

Giit pa nito na Constitutional duty ng mga mambabatas ang magpartisipa sa ConAss kaya walang dahilan para pigilan ng sinumang senador ang nais na lumahok dito.

Inamin ni Alvarez na wala pa siyang nakakausap na kahit isang senador na gustong lumahok sa Con-Ass ng Kamara at naniniwala siyang sa 24 senador ay wala ni isa man ang pabor sa Con-Ass magkagayunman ay hindi na umano ito mahalaga dahil sa kanilang panig ay nasimulan na at bandang huli ay handang pagbotohan. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply