Pagsosolo ng Kamara sa ChaCha unconstitutional

UNCONSTITUTIONAL na maituturing kapag sinolo ng malaking kapulungan ng Kongreso ang pag-amiyenda sa Saligang Batas sa pamamagitan ng Constituent Asssembly (ConAs).

Binigyang diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang ConAs ay binubuo ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang Kamara at Senado.

Ipinaliwanag ng kongresista na kailangang mag-convene ang dalawang kapulungan sa gagawing pagbabago ng mga probisyon sa Konstitusyon na sa tingin nila ay dapat nang baguhin.

Aniya, kayabangan lamang ang sinasabing kung ayaw ng Senado sa ConAs ay magsosolo ang Kamara gayung hindi naman ganito ang itinatakda ng Saligang Batas at posibleng ito ay mabalewala lamang.

Pinuna rin ni Lagman ang Senado sa hakbangin nitong bumuo ng sariling ConAs dahil sa kunstitusyon ay Kongreso ang banggit na nangangahulugang Kamara at Senado.

Kung magpapatuloy ang iringang ito ay posible aniyang humantong pa sa Korte Suprema ang usapin bagama’t hindi ito maituturing na usaping politikal kundi pagsunod lamang sa mandato ng konstitusyon.

Aminado si Lagman na hindi kailangang nakalagay pa ang salitang ConAs dahil itinatakda na ng saligang batas na ang Kongreso sa pamamagitan ng botong ¾ ng mga miyembro nito ay makapaghahain ng mga pagbabago sa saligang batas dahil nagkakaisa naman ang mga eksperto na ang nasabing probisyon ay tumutukoy sa ConAs.

Naunang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na kailangang mag-convene o magsagawa ng joint session ang Kongreso para sa ChaCha dahil wala namang nakalagay sa konstitusyon ng salitang ConAss.

Dahil dito, sinisisi ni Alvarez ang mga constitutionalist na sina dating Chief Justice Hilario Davide at Cristian Monsod sa kalituhang interpretasyon pagdating sa pagboto ng mga mambabatas sa ilalim ng ConAss. MELIZA MALUNTAG 

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply