Parang lola ni Xian si Kim Chiu!

IKAKASAL na raw ngayong Pebrero ang you and me against coupling na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Oh, talaga? Walang halong kiyeme latik? Kung totoo, wala namang masama. Of the right and ripe age na sila. Sure naman na financially, stable na ang magsing-irog. Hindi naman pabaya si JLC sa kanyang mga finances at tila ganun din ang babaing Adarna.

Bongga ang February speculation kasi nga, nag-celebrate si Lloydie with Ellen’s le famille nitong nakaraang holiday. Welcome na welcome siyasa House of Adarna.

May mga sighting rin ang dalawa na dumadalaw sa hospital at kumakain sa labas with Ellen seemingly trying to conceal something sa mga suot niyang malluluwag na damit.

Kung magiging Mr. and Mrs. Cruz ba sila, mababago ba nito ang katotohanan na tataas na na naman ang singil sa kuryente at ang gas, pataas muli ang presyo?

Kung maglalakad nga sila down the aisle sa Pebrero, tatagal ba ang amihan o sa ikalawang buwan pa lang, eh nakakautas na agad ang init?

At kung may exchange sila of I do’s and vows, mapipigil ba nito ang bonggang, bonggang increase in presyo ng mga soft drinks, iced teas, juices, and other sweetened beverages?

Parang si Lloydie at Ellen lang ang sweet, huh. Kalurks! Ka-hibang! Katuliro!

***

Makakatulong ba sa mga karera nina Xian Lim a Kim Chiu ang “special relationship” nila? Ito kasing si Lim, post kee post ng mga videos at photos nila of their recent European rendezvous sa kanyang Instragram.

Sure akong ang kakarampot na lamang na KimXi fans tuwang-tuwa at asang-asa na naman. Hmmph a double hmmph with matching pamewang at pagdadabog ng bangs ang diva that you love.

Muntik maunat ang rebellious curls ko matapos mapanood ang one-minute video payanig nilang dalawa sa Europe.

May dramarama pang ang background music na ginamit ay ang Perfect ni Ed Sheeran. Ano ito, feeling niyo perfect kayo for each other?

Etchos pa more!

Paano naman ako mananalig na may tunay na pagmamahalan at relasyon ang dalawa eh sa video, of all places, saan ba hinalikan ni Xian ang babaing svelte? Hindi ba sa noo? Halik sa noo! Ano ito? Lola ba o tiyahin ang ang turing niya kay Chiu? Hahahaha!

Kasi kung tunay na romantic at hindi platonic ang kanilang relasyon, the video should and must end with Xian planting a tender kiss on Kim’s lips.

Hindi naman siguro “bastos” si Lim at hindi naman kalabisan kung hahalikan niya ang kanyang “kasintahan” sa labi, hindi ba? And he will capture it for posterity, lalo na nga’ sweet and tender naman yun, mas panalo sana.

Ano ito, too conservative sila? Gusto nila chaste sila hanggang sila ay ikasal? Gusto niyo talagang maniwala ako na ngayong age of the Millennials, may mga tulad pa nina Xian at Kim na let us wait awhile ang emotada encarnacion?

Kay lilinis pala nila. Kay busilak. Sabel, this must be love indeed, huh! Pwede pala silang ialay sa bulkang nagmamarkulyong pumutok at sumabog.

Sige na nga, kung busilak ang inyong pagmamahalan, push niyo yan!

May mga larawang ipigasinadala sa akin kung saan si Xian Lim ay naka-police uniform. Ito yata ang next project niya para sa isang Kapamilya digital program.

Guwa-pulis ang karakter ni Lim. Wish ko lang talaga matigas na matigas, at matikas na matikas siya pag humahawak ng baril at pag papuputukin na niya ito.

Si Kim naman, tatlong huling Linggo na lang eere ang kanyang early morning drama na kasama si Gerald Anderson, ang kanyang ex na present ni Bea Alonzo,

Muli, ang tanong, may naitutulong pa ba ang kanilang ispesyal na relasyon sa kanilang mga karera? Pakisagot, dear Remate readers. AS IF/ALWIN IGNACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply