Pinagti-trip-an ang puwet ni Lovi!

BAGO matapos ang taong 2017 ay muling nagpasilip ng kanyang kaseksihan si Lovi Poe.

Gusto yata ng morenang actress ay mag-iwan ng marka bago pumasok ang taon 2018.

Ipinost ni Lovi sa kanyang Instagram ang larawan na naka-bikini na nakatalikod sa isang beach sa Palawan na kung saan namumutok ang magkabilang pisngi ng kanyang puwet.

“Beach Bum #CPHolidays #CPMyHappy Place,” aniya.

Sa naturang larawan ay hindi Bum ang napansin ng kanyang mga followers kundi ang halos lumabas na ang kanyang puwet dahil sa taas ng cut ng kanyang bikini.

Tingin nga ng mga barakong followers ni Lovi sa larawan ay parang isang napakasarap na ulam na masarap kagat-kagatin. Ang tambok kasi ng puwet ni Lovi.

Kahit sinong lalake ay makaiisip ng kasalanan sa pagkakalantad ng puwet nang morenang actress.

Pero sorry na lang sa mga naghahangad ng kaseksihan ni Lovi dahil taken na ito kaya hanggang tingin na lang ang puwede nilang gawin.

Kasama nga ni Lovi sa naturang bakasyon ay ang kanyang boyfriend na si Chris na kinaiinggitan ng mga barakong fans ng actress.

Pero huwag mawalan ng pag-asa ang naghahangad ng kagandahan at kaseksihan ni Lovi dahil wala pa sa isip nito ang mag-asawa.

Sa isang interview nga kay Lovi ay pinagdiinan nito na wala pa sa isip niya ang lumagay sa tahimik dahil una ay bata pa siya at marami pang pangarap sa buhay.

****

Pinaghahandaan ni Ruffa Gutierrez ang pagsalubong sa pagpasok ng taon 2018 dahil ngayon pa lang ay inaayos na niya ang kanyang kagandahan. Ayaw niyang salubungin ang Bagong Taon na haggard ang mukha dahil sa nabawas niyang timbang.

Sa video ni Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram wall, gusto raw ni Ruffa na magmukhang bata at glowing sa pagsalubong ng Bagong Taon kaya isinalang siya sa isang klase ng botox.

Pero kung makikita ninyo si Ruffa ay wala namang trace sa mukha na haggard ito dahil hindi pa rin nagbabago ang kanyang kagandahan.

Sa full shot photo ni Ruffa na naka-bikini sa pool o sa tabing dagat, mapapansin na hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang kanyang kaseksihan.

Sa selfie photo nga ni Ruffa sa IG habang suot ang isang pink low neckline na parang one piece bathing suit ay medyo sumilip ang kanyang boobs dahil mababa nga ang suot niyang neckline.

In fairness, kahit may anak na si Ruffa ay tila tayong-tayo pa rin ang kanyang malusog na boobs.

Masisisi mo ba kung dagsa pa rin ang naghahangad ng kagandahan at kaseksihan ni Ruffa Gutierrez.

****

Tanong nang masa, makatutulong raw ba sa naging resulta ng Gabi ng Parangal ang pagkakapanalo ng pelikulang hindi pinapasok sa mga sinehan pero humakot naman ng awards, tulad ng pelikulang Larawan, Deadman Walking atbp.

Kung pagbabasehan ang mga nasagap naming reaction ng mga tao na laging inaabangan ang taunang festival na Metro Manila Film Festival ay wala rin raw mababago sa resulta ng kita sa takilya.

Maaari raw may manood ng kaunti pero hanggang dalawa or tatlong araw lang ay balik uli sa dati na walang maghahangad na manood ng kanilang pelikula.

Dapat sigurong tanggapin ng mga producer na nagpupumilit na gumawa ng de kalidad na pelikula pero hindi naman feel panoorin ng mga Pinoy moviegoer.

Gusto ng mga Pinoy, lalo nang mga kabataan na panoorin ang kanilang iniidolong actor, kesehodang corny o walang kuwenta ang istorya ng pelikula.

Basta ang importante sa kanila ay maaliw at masiyahan sila sa panonood ng kanilang idol.

Sabi nga ng mga matalas ang bibig na aanhin mo raw ang trophy kung lugi naman sa takilya ang pelikula mo.

Mas okey na raw ang walang matanggap na karangalan basta patok naman sa takilya ang pelikula.

Kaya ka nga raw gumawa o nagproduce ng isang pelikula ay para kumita at makapag-produce muli ng panibagong pelikula. Kung lugi nga naman sa unang project ay siguradong tigil muna sa pagpo-produce.

Anyway, sana nga ay makatulong ang natanggap na karangalan ng mga pelikulang hindi masyadong pinapasok sa mga sinehan. Teka Muna/Gerry Ocampo

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply