Pinakamahihirap na pamilya, bibigyan ng P200 kada buwan

MAGKAKALOOB ang pamahalaan ng P200 sa pinakamahihirap na pamilya kada buwan.

Upang matulungang mapawi ang magiging epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law o (TRAIN) ng administrasyon.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, ang P200 na subsidiya kada buwan ay sagot sa mga kritiko na nagsasabing “anti-poor” ang batas.

Makatutulong aniya sa 50 percent na pinakamahihirap sa sambahayan ang aksyong ito ng gobyerno na inaasahang maaapektuhan ng bagong tax package.

Iginiit din ng kalihim na ang pangmatagalang epekto ng TRAIN law ay magpapababa sa mga presyo na magiging dahilan ng mas maayos na produksyon, magandang imprastraktura at mababang presyo sa transportasyon.

Naglaan ang gobyerno ng P24.5-bilyong unconditional cash grants sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development kung saan inaasahan ang P200 – P300 pagtaas sa 2019 at 2022. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply