Pinay GF ng Las Vegas mass shooting suspect, inabswelto

INABSWELTO na sa mga kaso ang Pinay girlfriend ng pangunahing suspek sa naganap na Las Vegas shooting spree noong nakalipas na buwan ng Oktubre.

Sinabi ni Clark County Sheriff Joseph Lombardo na wala silang nakikitang direct link na mag-uugnay kay Marilou Danley sa pamamaril na ginawa ng kanyang kinakasama na si Stephen Paddock.

Base sa mga ginawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Las Vegas ay lumilitaw na tanging si Paddock lamang ang nagplano at nagsagawa ng nasabing pamamaril na nagresulta sa kamatayan ng 58 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Magugunitang pinaulanan ng mga bala ni Paddock ang ilang mga nanonood ng music festival sa Las Vegas na sinasabing worst mass shooting incident sa kasaysayan ng U.S.

Makaraan ang pamamaril ay nagpakamatay rin ang pangunahing suspek sa krimen kung saan ay nabawi ng mga awtoridad ang ilang mga assault rifles at bala mula sa silid na inupahan nito sa Mandalay Bay.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng mga awtoridad kung konektado si Paddock sa grupo ng mga terorista. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply