Piyansa ng mga pulis Mandaluyong shooting, sagot ng PNP

SASAGUTIN ng Philippine National Police (PNP) ang piyansa ng mga pulis na nasangkot sa misencounter sa Mandaluyong City.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato dela Rosa, responsibilidad ng PNP na tulungan ang mga miyembro nito.

Dahil dito, nagsisimula na silang mag-ipon ng pondo para sa piyansa ng sampung pulis na kinasuhan ng double homicide at double frustrated homicide.

Batay sa kautusan ng Mandaluyong RTC Branch 21, aabot sa P128,000 ang piyansang kailangan ilagak ng bawat sangkot na pulis.

Nanindigan ang PNP Chief na bagaman pumalpak ang mga pulis-Mandaluyong, nararapat pa rin silang tulungan.

Paliwanag ni Dela Rosa, nagkamali lamang ang mga ito dahil sa maling impormasyon na ibinigay ng mga tanod ng Brgy. Addition Hills, pero wala silang masamang intensyon nang mangyari ang insidente. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply