Pope Francis village para sa ‘Yolanda survivors’

KUMPIYANSA ang isang paring Katoliko na magbibigay ng ginhawa sa mga typhoon Yolanda Survivors ang pabahay na ginagawa sa on-going project na Pope Francis for Resilient and Co-Empowered, Sustainable Communities (FRANCESCO).

Ayon kay Father Alcris Badana – Social Action Center Director ng Archdiocese of Palo na Badana, nagkaroon ng mga public consultations at kasangkot sa pagpaplano ang mga kinatawan ng survivors na gagamit ng mga bubuuing bahay upang matiyak na naaayon ito sa kanilang pangangailangan.

Sinisiguro rin ng pari na hindi masasayang ang pondong ibinibigay ng kanilang donors dahil kongkreto, matibay, at hindi substandard ang mga gagamiting materyales sa mga bahay na itatayo sa Pope Francis Village.

Umaasa rin ang pari na magsisilbing modelo ang Pope Francis Village para sa mga institusyon o sa pamahalaan na magtatayo rin ng relocation houses.

Giit niya, mahalagang maging kaaya-aya, komportable at maginhawa para sa mga ire-relocate ang bahay na ipagkakaloob sa kanila upang hindi ito magdalawang isip sa pagtira sa kanilang magiging bagong bahay.

Nabatid na ang Pope Francis Village ay on-going project na kinabibilangan ng iba’t ibang institusyon ng simbahan, kasama ang Urban Poor Associates, Canadian Catholic Organization for Development and Peace, CBCP-NASSA, Redemptorist Community of Tacloban, at Archdiocese of Palo.

Sa kabuuan, aabot sa 550 units ng mga bahay ang nakatakdang itayo sa loob ng Pope Francis Village, na magkakaroon rin ng Plaza, isang bisita, commercial area at agricultural area para masuportahan ang kabuhayan ng mga typhoon Yolanda survivors. MACS BORJA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply