Presyo ng produktong petrolyo, muling sisirit

MULING magpapatupad ng dagdag-presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Bukas, Martes, Enero 30, inaasahang nasa pagitan ng P0.40 – P0.50 ang madaragdag sa presyo ng bawat litro ng diesel, gasolina at kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng oil products sa pagsisimula ng taong 2018.

Resulta ang linggu-linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pagtaas ng halaga nito sa world market.

Bukod pa rito ang halaga na naidagdag sa presyo ng oil products nang dahil sa excise tax.

Mula January 1 – 27, umabot sa halos P3 ang nadagdag sa presyo ng diesel at gasolina dahil sa excise tax. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply