Public consultation ginawa sa ChaCha

NOONG isang taon pa ay kaliwat kanan na public consultation ang isinasagawa ng House of Representatives ukol sa pederalismo.

Ito ang iginiit ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado sa harap ng akusasyon ng mga kritiko na minadali ang pag-apruba sa resolusyong nagko-convene sa Senado at Kamara para sa Charter Change.

Paliwanag ni Mercado na hindi ni-railroad ng Kamara ang Con-Ass resolution, sa katunayan ay bago pa naging mainit muli ang usapin sa ChaCha ay matagal nang sinimulan ng Kamara ang konsultasyon sa taumbayan kung pabor ng mga ito sa pederalismo at nagkaroon na rin ng mga pagdinig sa Kamara.

Bahagi rin ng isinagawang konsultasyon ang iba`t ibang stakeholders, legal luminaries, mga ahensya ng gobyerno, sectoral groups gayundin ay bumuo ang komite ng apat na technical working group na nag-aral sa salient features ng Saligang Batas at siya ring naatasan na bumuo ng draft constittution.

Nilinaw ni Mercado na walang railroading na ginawa o ginagawa ang Kamara, ang pagmamadali umano ay dahil lamang sa layuning maisabay ang pagsagawa ng plebisito sa darating na Mayo kasabay ng Barangay at Sk Election. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply