Pumalyang paputok, 25 sugatan

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – May 25 katao ang sugatan matapos masabugan ng pumalyang paputok na sinindihan para sana sa pagdiriwang ng Bagong Taon kagabi (December 31) sa Brgy. Calmay sa lungsod ng Dagupan, sa nasabing lalawigan.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima matapos silang magtamo ng sugat mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahil na rin sa sumablay na fireworks display sa nasabing barangay.

Taliwas sa inaasahan ng mga manonood na lilipad at puputok ito paitaas ay bigla na lamang umano itong sumabog sa kinalalagyan nito.

Dahil dito, tinamaan ang 25 bilang ng mga indibidwal na noo’y nanonood lamang.

Kabilang sa mga biktima ay mga bata, matatanda at ilang mga kalalakihan.

Dali-dali namang dinala ang mga ito sa pagamutan upang lapatan ng paunang lunas na ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply