Pwedeng maging kumportable sa kanilang emosyon at physically intimate!

HINDI madaling maging lalaki sa kasalukuyan. Mas marami ang naging dudoso at dudosa, isama na rin natin ang mga malisyosa at malisyosta, may dagdag pang mga manong at manang na sobrang mapanuri at tila mapanghusga sa pagsasamahan at pagkakaibigang lalaki sa lalaki.

Kung kailan millennial age na, ang panahon na in na ang mga salita at katotohanang bromance, bromosexual relationship at sexual fluidity, hindi natin mapigilan ang mag-konklusyon na ang dalawang lalaking makisig, na maganda ang mukha at tindig ay hindi lang basta magkaibigan, kundi dalawang lalaking nagmamahalan na higit pa sa pagiging magkaibigan, magkapatid o magka-tropa, mag-sing irog sila, dalawang lalaking nagsasalo sa kakaibang pag-ibig.

Exhibit A, si Ahron Villena. Nung si Villena ay naging-close kay Cacai Bautista, marami ang poot na poot sa komedyana. Hanggang sa dumating ang panahon na ang mga mahusay mansaliksik, takang-taka kung paano afford na afford ni Ahron ang kanyang mga out of the country travels. Wala naman itong regular afernoon or evening dramas na kasama siya at mas lalong walang pelikulang support, ensemble or may cameo siya.

Ang bumaliw pa sa mga mananaliksik, may kaibigang lalaki na constant companion ni Villena at may mga larawan na parehong-pareho ang lugar kung saan sila nag strike a pose and Vogue.

Kaya yun na, mas lalong umigting ang urban legend tungkol sa sexual orientation at preference ni Ahron. Ang nakapagbura lang yata rito ay nung di sinasadyang bumulaga ang kanyang matikas na ari-arian sa social media. Ngayon, nasa La Luna Sangre ang binata at wa pakels na ang mga kapamilya kung siya ay one of us.

Exhibit B. Ang mahusay na aktor na si Arnold Reyes at ang pwedeng pagkamalang Asian novella heart throb na si Lharby Policarpio.
Laging cited si Reyes sa kanyang mga pambihirang pag ganap sa independent films at drama anthologies.

Si Policarpio, maraming femmes at maricones na bet na bet ang binata kasi nga boy borta ito, yummylicious ang katawang pang romansa at may chance na delicioso ang taglay nitong pambihira.

Of late, here, there and every where ang siting sa dalawa at ayon sa mga obserbasyon mula sa mga mananaliksik, hindi lang daw basta pang-tropa ang kanilang “closeness.”

May isang larawan pa nga sa isang popular pink portal na tila galing ang dalawa sa land of the Rising Sun, sa bansang Japan. Ano ito, dun pa talaga sila nag-Kendo lessons para mas authentic ang experience? Ang saya-saya, eskrimahan gamit ang mahahabang pamalo, huh!

Ang pinakabagong mga bida, sina Marvin Agustin at Markki Stroem.

Sinabi na ni Agustin na sila ni Markki ay “good friends” pero ang mga mananaliksik at ilan sa mga Rosas Pandan Community members at Asosaysyon Los Maricones, hindi naniniwala, naka-arko ang mga kilay sa 7th floor, nakapamewang, with matching bangs na nagdadabog.

Hindi na rin napigilan ni Agustin ang nagmamarkulyong damdamin, post niya sa kanyang social media site, isang larawang may mga katagang, :”Before you assume, learn the facts. Before you judge, understand why. Before you hurt someone, feel. Before you speak, think.”

Sabi pa ni Marvin sa post, “NEVER. BE. JUDGEMENTAL. It wont help any situation and wont do you any good. In fact, nakapapangit.”

Ano ang lesson para sa mga artistang lalaking pinagduduhan? Una, itigil na ang photo postings na magkasama kayo. Kahit pa nga may ibang tao na ka-bonding niyo sa photo, ang focus palagi ay sa inyong dalawa. If you keep your photos private and for your eyes only, eh di walang magdududa.

Pangalawa, or you can take the other course kung di niyo mapigilan ang inyong posting. MAN UP on your friendship. Mas lalo niyong ipamukha sa mga inggitero, intrigero at malisyoso ang inyong mga larawang magkasama, the more homoerotic, the better para mas lalong maglaway, hanggang sa dumating ang umay.

You know, hanggang people are not accustomed and used to see men genuinely expressing fondness and platonic love sa isa’t-isa, patuloy ang mga pagdududa at mga haka-haka. Kesa itago kasi, celebrate and shout it to the world! Hindi kasi sanay ang mga tao na pwedeng maglambingan ang mga lalaki. Kung ako sa mga artistang ito, holding hands while walking pa ang drama namin para lang makita at maunawaan na pwedeng-pwedeng maging comfortable sa kanilang emotions at physically intimate ang dalawang magka-bro. AS IF/ALWIN IGNACIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply