Relasyon ni Coco at Julia, itinatago dahil may kumplikasyon

TAMA ang sinabi ni Kylie Versoza na taken na si Coco Martin. Actually, matagal na naming alam.

Kung hindi kami nagkakamali, 2 years ago pa naikuwento sa amin ng isang dating driver ng ABS CBN.

Lihim na lihim daw talaga ang relasyon nina Coco at Julia Montes.

Kailangan daw itago dahil sa mga kumplikasyon sa kanilang work.

Pero ngayong very successful na si Coco bilang aktor at producer na rin, wala na sigurong dahilan para itago pa nila ang kanilang relasyon ni Julia.

Pero talagang ayaw pa nilang umamin. Bata pa raw si Julia, 22 years old pa lang.

Baka pagdating sa tamang edad ng huli ay saka sila sabay na kakanta ng ‘You and Me Against the World’. Yun na!

REX CAYANONG, NAKASABAY NANG PAGTANGGAP NG AWARD ANG IDOL NA SI BEN TULFO

Aminado si Rex Cayanong na bago siya naging broadcaster, si Ben Tulfo ang naging peg niya para maabot ang kanyang pangarap at mapabilang sa broadcast media.

Tapang at dedikasyon sa trabaho ni Ben ang naging sandalan niya para patatagin din ang kanyang sarili bilang isang komentarista sa radyo.

At kamakailan nga ay ‘di niya sukat akalain na makakasabay pa niya sa pagtanggap ng award ang idol niyang si Ben.

Pinarangalan sila pareho ng isang organisasyon bilang mga inirerespeto at matatapang na brodkaster sa social media.

Ang programa kasi ni Rex sa Radyo ay simulcast ding napapanood sa Facebook Live at sa iba pang sites sa internet.

Para kay Rex, ang rekognasyon na ito ay nasisilbi niyang inspirasyon para mas lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho, lalo pa’t iilan lamang sa mga baguhang katulad niya ang nabibigyan ng ganitong klase ng parangal.

DIEGO LOYZAGA HUMINGI NG SORRY SA PAGLITAW NG ALAGA

Humingi ng paumanhin si Diego Loyzaga sa aksidenteng magkaka-post daw ng video na nakahubad siya.

“It was an accident and I’m sorry,” ani Diego.

Nasa sauna raw ang batang aktor at sinunod lang nito ang Swedish etiquette na kailangan nakahubad kapag maliligo o magpapamasahe.

“Gusto kong mag-sorry sa lahat ng nabastos. I know that I have followers who are young,” sabi pa ng binata.

May mga bading namang nagsasabi na hindi na kailangan mag-sorry si Diego dahil masiyahan naman sila kahit papano. Hehehe!

Mas maganda nga raw sana kung ginalit muna niya bago niya pinakawalan para mas enjoy. Nyee!

PAULO AVELINO PURO SORRY LANG SA ANAK

Si Paulo Avelino ay sorry din ang hinihingi sa anak na si Aki dahil hindi niya ito nabibigyan ng tamang atensyon.

Marami raw siyang naging pagkukulang sa anak lalo na sa panahon na ginugugol niya rito.

“For the longest time kasi hindi ko nakita ang anak ko dahil nagkaroon ng problema sa maraming bagay. Mid-last year naayos na at nakikita ko na ang anak ko. Ang problema naman minsan kapag malungkot ka gusto mo magtrabaho nang magtrabaho. So ang dami kong tinanggap na trabaho na aabot hanggang mid this year yata. So siguro kulang ko last year, this year siguro more time for my son. Lumalaki na rin,” ani Paulo.

Mabuti naman at inamin ni Paulo in public ang mga pagpapabaya niya sa kanyang unico hijo.

Iyon nga lamang, hindi niya inamin na maliban sa time, kapos din siya sa suportang pinansyal sa anak kagaya ng sinasabi noon ni LJ Reyes.

Sa ngayon, happy ang lovelife ni Avelino dahil sa presence ng bago niyang girlfriend na Fil-Polish model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

***

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply