Ruta ng Traslacion 2018, walang pagbabago

WALANG pagbabago sa ruta ng dadaanan ng prusisyon ng Black Nazarene pabalik ng Quiapo Church mula Quirino Grandstand sa Enero 9.

Ayon kay MPD Spokesman, Supt. Erwin MJargarejo, mula sa Quirino Grandstand, uusad ang prusisyon sa Katigbak Drive, diretso sa Padre Burgos hanggang sa Jones Bridge, kanan sa Dasmarinas St., kanan sa Plaza Sta. Cruz, kaliwa sa Palanca at diretso sa ilalim ng Quezon Bridge.

Mula sa Quezon Bridge, kakaliwa ang prusisyon sa Quezon Blvd, kakanan sa Arlegui, kanan sa Fraternal, kanan sa Vergara, Duque de Alba, kakaliwa sa Castillejos, kaliwa sa Farnecio, kakanan sa Arlegui, kak0aliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila at kanan sa Carcer.

Mula sa Carcer, kakanan naman ang ruta sa Hidalgo diretso sa Plaza del Carmen, kaliwa sa Bilibid Viejo saka didiretso sa Gonzalo Puyat, kaliwa sa Guzman, kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Bautista, kanan sa Globo de Oro diretso sa Quezon Bridge, kanan sa Palanca, kanan sa Villalobos at diretso sa Plaza Miranda hanggang makabalik ang andas ng Poong Itim na Nazareno sa loob ng Simbahan ng Quiapo.

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing mga kalye ay sinimulan na ring suriin ng Department of Public Works and Highways upang matiyak na walang bukas na manhole o mga lubak na maaaring makadisgrasya sa mga lalahok na deboto.

Taun-taon ay nagkakaroon ng increase o dagdag na 15 hanggang 20 porsyentong deboto na nakikilahok sa prusisyon ng Black Nazarene kaya inaasahan nila ang 17-milyon hanggang 20-milyon na attendees sa Traslacion 2018.

Tutulong din ang Philipine Coast Guard (PCG) na siyang magbabantay sa baybayin malapit sa Quirino Grandstand gayundin sa Ilog Pasig, BFP , DPWH ,DOH at iba pang NGOs. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply