Ruta sa Traslacion 

BAGAMAT naglabas na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa Traslacion 2018, naglabas naman ng bahagyang pagbabago ang  Technical Working Committee na nangangasiwa sa Traslacion sa rutang daraanan ng prusisyon ng Itim na Poong Nazareno para makatiyak ng kaligtasan ng mga deboto.
Paliwanag ni  Alex Itasga, head ng Technical Working Committee, sa halip na dumaan sa eastbound lane ng P. Burgos at Lagusnilad mula Quirino Grandstand sa  westbound lane ng P. Burgos dadaan ang prusisyon.
Aniya mas malawak at ligtas ang nasabing daan base sa mga nagdaang ekspiryensa, pagdating sa National Museum, nagiging bottleneck sa Lagusnilad.
Mula Padre Burgos Stret, kakaliwa ang prusisyon sa Taft Avenue diretso sa Jones Bridge, kanan sa Dasmariñas Street, kanan sa Plaza Sta. Cruz,  kaliwa sa Carlos Palanca ilalim ng Quezon Bridge,kaliwa sa Quezon Boulevard, kanan sa Arlegui Street, kanan sa Fraternal Street, kanan sa Vergara Street, kaliwa sa Duque de Alba Street, kaliwa sa Castillejos Street, kaliwa sa Farnecio Street, kanan sa Arlegui Street, kaliwa sa Nepomuceno Street, kaliwa sa Concepcion Aguila Street,  kanan sa Carcer Street, kanan sa Hidalgo diretso Plaza Del Carmen, kaliwa Bilibid Viejo diretso sa Puyat Street, kaliwa sa de Guzman Street, kanan sa Hidalgo Street, kaliwa sa Barbosa (Bautista Street), kanan sa Globo de Oro ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Palanca Street, kanan sa Villalobos diretso Plaza Miranda papuntang Quiapo Church.
Simula alas 12 ng hatinggabi ng Enero 9 lahat ng sasakyan na manggagaling sa Quezon City na pupuntang Espana Boulevard ay maaring kumanan sa  P. Campa Street, kaliwa sa Mendoza Street, kanan sa Fugoso Street, kanan sa Recto Avenue o kaliwa sa Nicanor Reyes Street, kanan sa Recto Avenue papunta sa destinasyon.
Lahat ng sasakyan manggagaling mulaLegarda ay maaring kumanan sa CM Recto Avenue o kumaliwa sa Mendiola Street papuntang destinasyon .
Ang mga sasakyan mula  Caloocan City didiretso sa Rizal Avenue ay  maaring kumanan sa  Fugoso Street o Recto Avenue, papuntang destinasyon.
Ang mga mabibigat namang sasakyan at cargo trucks ay maaring dumaan sa Osmeña papuntang Pes. Quirino Avenue at Nagtahan via Lacson Avenue hanggang Capulong Street.
Sa mga  Bus na manggagaling sa northbound lane ng Taft Avenue at maaring kumanan sa  San Fernando Street o mag U-turn sa Plaza Ruiz  papuntang destinasyon.
Maaari namang kumanan sa San Fernando Street o Mag U-turn sa Plaza Ruiz  papuntang destinasyon ang mga sasakyan na manggagaling sa  southbound lane ng Reina Regente Street.
Pinaiikot naman ang mga light vehicles na daraan sa Bonifacio Drive at southbound lane ng Roxas sa  Anda Circle papuntang  Delpan o Moriones papunta sa destinasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply