Sekyu nabagsakan ng hook ng tower crane, dedo

NAGKABALI-BALI ang katawan ng isang security guard nang mabagsakan ng hook block ng tower crane sa isang construction site sa Brgy. Apas, Cebu City kaninang Huwebes ng umaga.

Dead-on-arrival sa opsital sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang biktima na nakilalang si Junrel Tenebroso, 29, ng Brgy. Gunting na sakop ng bayan ng Barili sa Cebu.

Nakakulong na ngayon at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang crane operator na si Demetrio Cornecio, Jr., 37, tubong Iligan City.

Sa imbestigasyon ng homicide section ng Cebu City Police Office, naputol umano ang kable sa nakakonektang metal hook ng crane na ino-operate ni Ciornecio kaya nahulog ito at tumama mismo sa guard house kung saan nakapuwesto si Tenebroso. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply