Senador Drilon, humingi ng P5M campaign fund kay Napoles para sa LP

IBINUNYAG ng tinaguriang Pork Barrel Fund queen na si Janet Lim Napoles na humingi sa kanya ng P5 million na campaign fund ang Liberal Party senator na si Senator Franklin Drilon.

Sinasabing hindi idineklara ni Senator Drilon sa Commission on Elections ang naturang halaga kahit nanalo na itong senador.

Ayon pa kay Napoles, aakalain ng publiko na napakalinis na senador ni Drilon dahil sa ipinapakita nitong imahe sa publiko pero mayroon din itong itinatagong lihim.

Nanindigan si Napoles na kilala siya ni Drilon pero nagtataka siya kung bakit matapos siyang nakapagbigay ng pondo ay hindi na siya nito pinansin at higit sa lahat ay mistulang itinatanggi nitong kilala siya nang pumutok ang PDAF scam.

Matatandaan na base sa regulasyon ng Comelec, maaaring matanggal sa puwesto ang sinumang nanalong kandidato dahil sa hindi pagdedeklara ng mga campaign fund sa kanilang Statement of Contribution and Expenditures.

Samantala, tumanggi munang magkomento si Senate President Koko Pimentel bagamat bukas naman aniya ang Ethics Committee basta may mga ebidensya na magpatunay sa alegasyon. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply