Spurs tiniklop ang Nets

PINATIKLOP ng San Antonio Spurs ang Brooklyn Nets sa iskor na 100-95.

Nakapagbuslo ng 34 points ang power forward na si LaMarcus Aldridge, habang pitong 3-point shots na may kabuuang 25 points ang kinamada ni Patty Mills.

Nagawang ibandera ng Spurs ang kanilang koponan sa kabila ng hindi paglalaro ng key player na si Kawhi Leonard dahil sa injury.

Samantala, nagtala naman ng 20 points si Allen Crabbe, at 18 si Joe Harris para sa Nets na natalo sa ikatlong magkasunod na laro.

Mula first quarter ay dominado ng San Antonio ang court, ngunit nakaalpas ang Brooklyn sa huling quarter.

Binuweltahan naman ito ng 3-points ni Aldridge sa huling 53 segundo para iaangat sa 17 puntos ang lamang sa Nets.

Ito na ang ika-siyam na labang wala sa court si Leonard matapos ding ma-miss ang pagsisimula ng season dahil sa “right quadriceps tendinopathy” at shoulder injury.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ng West ang Spurs sa 30-16 win-loss record, na nakatakdang harapin ang Eastern conference 2nd team na Toronto Raptors, 30-13. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply