SUGALAN SA PANGASINAN, SANGKATUTAK PA RIN

PATULOY pa rin ang walang tigil na operasyon ng iba’t ibang uri ng iligal na pasugalan gaya ng drop ball, pula’t puti, double pay, baraha, tangga, target, ipil-ipil at iba pa na pinatatakbo ng mga gambling operator na malalapit sa mga police official sa lalawigan ng Pangasinan.

Kabilang sa matitinding gambling operator ng mga iligal na pasugalan sa lalawigan itong isang alyas Eng. Flores sa Brgy. Poblacion, Mangaldan. Makikita ang pasugalan sa tapat mismo ng Public Market ng Mangaldan. Ang balita ay hindi lang malakas kundi super sa tibay si Eng. Flores dahil hindi lang niya hawak ang tungki ng ilong ni Mangaldan COP Supt. Jeff Bangit kundi pati yata ang yagbols din nito kaya ‘di makapalag ito.

Ang isa pang matinding operator sa Pangasinan ay ang mag-amang sina Juvy at Jayson Fronda na ang balita ko, ang pasugalan ng ulol na mag-ama ay sa tapat pa mismo ng simbahan. Bukod sa binastos na nila ang tahanan ng Diyos ay magdamagan pang nagpapasugal.

Isang Pastor naman, hindi ko lang alam kung pastor ito sa relihiyon o namamastol ng mga kalabaw o kambing, ang may iligal na pasugalan gaya ng drop balls sa Pozorrubio, Pangasinan. Ibang klase itong si Pastor dahil sa sanggang dikit niya umano ang mayor ng Pozorrubio kaya napakatibay ng kanyang pasugalan kahit tambayan pa ng mga durugista at tulak ng tobats.

Wala ring takot na inooperate ni Rene Ibasan sa San Manuel ang kanyang pwesto pijo na color game at drop ball sa bayan na ‘yan.

Walang bukambibig ang kulugong ito kundi si mayor din. Ang pwesto pijo ng pasugalan ni Pol Castro ay walang tigil din ang operasyon sa San Nicolas, Pangasinan pa rin.

Ang tanong, ano ang ginagawa ng mga opisyal ng lalawigan sa mga iligal na pasugalan dito? Ano na ang ginagawa ng Counter Intelligence Task Force ng Crame? Bakit hindi ninyo hinuhuli ang mga pasugalan dito na ginagawang “gatasan” ng mga kapulisan ng nasabing lalawigan?

PURO NA LANG BANG PA-TIMBRE SI KORONEL?

Isang alyas Adam ng Baguio City ang siya namang may-ari ng pwesto pijo ng mga iligal na pasugalan gaya ng drop balls, color game, pula’t puti at double pay sa La Trinidad, Benguet sa may Blosom Bakery sa loob mismo ng bilyaran. Pero hindi hinuhuli ng mga tauhan ni Baguio City COP Supt. Ramil Saculles dahil sa nakatimbre sa kanya.

Ano ba ang ginagawa mo Supt. Saculles, puro na lang ba pa-timbre ang inaasikaso mo sa Baguio City?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply