Sunog sa Mindanao Ave., 3 sasakyan naabo

NATUPOK ng apoy ang tatlong mamahaling sasakyan sa naganap na sunog sa Mindanao Ave. sa Brgy. Sauyo, Quezon City.

Tinupok ng apoy ang dalawang establisyimento sa loob ng Victoria Subd. kaninag umaga, Biyernes.

Ayon sa Quezon City Fire Bureau, isang car shop ang nasunog na gawaan ng mga mamahaling sasakyan at isang kainan.

Napinsala sa nasabing sunog ang tatlong sasakyan na nakaparada sa car shop.

Nagsimula ang sunog pasado alas-4:00 ng madaling-araw na umabot sa ikatlong alarma.

Naideklara naman itong fire out ganap na 5:40 ng umaga.

Sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang danyos nito. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply