Tahimik ang paglipat ni Jason Abalos sa Syete

HANGGANG ngayon ay patuloy pa rin ang rigodon ng mga artista na lumilipat ng network mula sa GMA 7 patungong ABS-CBN 2 at mula ABS-CBN patungong GMA.

At ang pinaka-latest na nangibang-bakod ay ang gwapong aktor na si Jason Abalos.

Tahimik lang ang nangyaring paglipat ni Jason pero ang mahalaga, may project na kaagad siya at kasama siya sa bagong teleserye ng Siyete, ang The One That Got Away.

Mahigit sampung taon ding namalagi si Jason sa Dos at aminin natin na nagkapangalan naman talaga sa Dos si Jason lalo na ‘yung pini-pair sila ni Maja Salvador.

Ang sabi sa balita, muntik-muntik daw talaga na naging sila but since pareho silang busy that time sa kani-kanilang career, di nila ito binigyan ng importansiya hanggang sa napunta si Maja kay Gerald Anderson at si Jason naman ay napunta kay Vickie Rushton.

Di ko alam kung sila pa rin hanggang ngayon.

Well, kung umabot ng mahigit 10 years si Jason sa ABS-CBN, sana umabot din siya ng 10 years bilang Kapuso o kaya mananatili na siyang Kapuso habangbuhay.

***

Isa ako sa nalungkot nang malaman kong nasunog ang bahay ni Freddie Aguilar sa North Fairview. Ilang beses kaming nakapunta sa nasabing lalo na tuwing magpa-Pasko dahil doon nagpapa-carolling si Ka Freddie.

Lahat ng memorabilia ni Freddie mula nang siya ay mag-umpisa hanggang ngayon ay nasa bahay na iyon.

Isa pang bahay ni Ka Freddie na pinupuntahan namin doon ay sa bandang New Manila. Ewan ko kung kanya pa rin yun or naibenta na niya. Kasi roon talaga kami nagpupunta noong una, and then sa sumunod na mga taon ay sa North Fairview na.

***

Personal: Nakikiramay ako sa mga naiwan ni Manong Felix Hanala (bayaw ko) sa kanyang asawang si Artemia Basil-Hanala (ate ko), mga anak na Michael at Elvie at mga apo. Nakalagak ngayon ang mga labi ni Manong Felix sa kanyang tahanan sa Brgy. Balili, Valencia, Negros Oriental at ang libing ay sa January 11.

Sa bahay nina Manong Felix at Manang Arting ako nakatira noong high school at saksi ako sa kasipagan ni Manong Felix.

Pagkagaling sa work niya sa PNOC, kahit madilim na ay nagta-trabaho pa siya sa kanyang baol (farm).

I will miss you Manong and may your soul rest in peace. TIMMYDORA/TIMMY BASIL

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply